Tuesday, January 09, 2007

Barkada.



Nakakamiss talaga ang buhay estudyante nung college. ang sarap balik balikan ang mga pangyayari. ibang experience. nakakatuwa. nakakaiyak. nakakainis. nakakagulat. nakakapanlumo.lahat na yata ng emosyon nadama ko na. a whole new world nga naman. iba talaga.

Nakakamiss ang una kong barkada na cla Glen at Gervin, na palagi kong kasabayan umuwi at kumain ng hapunan. basta sa mga carinderia sa dapitan, solve n solve na kami nun. Pero di nagtagal ang barkadahan na yun. sandali lang, nawala na. di ko alam kung bakit. memory gap ika nga.

Pero mas naging masaya ako sa 2nd barkada ko! Sila Anna, Rheza, Arriane, Jerry at Lian. Dun ko nafeel na di ako nag-iisa. Parang kumpleto ung pagkatao ko kapag kasama ko sila. Pero ang palagi ko talagang nakakasama yung tatlo ( si Anna, Rheza at Arriane). Minsan nakausap ko nga c Arriane, marami syang pinapaalala na mga ginawa naming barkada na di ko na maalala, memory gap ulit. ang dami pala naming mga masasayang alaala na nakalimutan ko na. Pero sa mga pinaalala nya, ung iba natandaan ko pero ung iba hindi talaga.


Nung last sunday, may nakita ako n mga sulat na kaagad kong namukhaan ang handwriting. Kay Anna pala! sobrang dami pala nyang letter n nabigay sa kin! Naitago ko pla un at na-organize pa! hehe. Binasa ko ulit at nagreminisce. Kasama rin pala dun ang mga sulat ni Rheza. Pero mas marami ang kay Anna.


Napaka-supportive ng mga kaibigan ko na yun sa kin lalung lalo na kung may delikado ako n subject. Talagang tutorial ang ginagawa nila sa kin. Ganun din kapag may personal problems ako. Kaya napaka-thankful ako kasi naging kabarkada ko sila. Thank you so much!

Di ko na eelaborate, pero pagkatapos ng barkada na yun, nagkaron ulit ako ng bagong ka-berks! korni sa word. hehe. Sila Mike, Donnlyn,Rouie,Andrea,Regina,Keren,Jonathan at Edwin Ng. Ibang pakikipagsapalaran na nman. Pero naging masaya rin ako sa barkadang to. Sobra. Katulad din ng second ko n barkada. equal lang. may twist pareho. Basta thankful ako sa mga naging barkada ko.

Missing mode.