Wednesday, December 23, 2009

After 1 year.

Isang taon na naman ang lumipas, inaagiw na ang blog ko. biruin mo yun, isang taon na pala yun. Magpapasko na naman ulit. One of the reason kaya hindi ako pagblog ay: walang time, kasi nga busy sa trabaho, puro facebook lang ang naoopen ko. pangalawang pinakamalupit ay: minsan dinadapuan ako ng katamaran, ganito yun, sa una magiisip ako ng maisusulat tapos kapag time na para magtype, ayun na tamad mode na, hehehehe.



Bakit ako nakapagtype ngaun? kasi dito lang ako sa office, stay in muna 'ko kasi napakasama ng pakiramdam ko, pangalawang xmas ko na 'to na dinapuan ng sakit, ubo at sipon, bestfriends ko na silang dalawa talaga mula pa nung maliit ako, kaya siguro wala akong sense of smell eh? kasi nadamaged na yata ung mga tissue sa ilong ko? sa tingin mo? hehehe



Marami nang nangyari sa buhay ko, at aabutin tayo ng years ulit para lang maenumerate lahat ng mga pangyayari. Masasabi ko lang na napakathankful ako kay GOD sa lahat ng mga blessings na natanggap ko this year mula sa Kanya. Kahit minsan merong mga problema sa pamilya, sa mga kaibigan, sa trabaho at iba pa; alam kong makakayanan ko yun dahil alam ko rin naman na trial lang yun at sinusubukan ang faith ko..



Napakaimportanteng nangyari sa kin ngayong taon na to, ay pagdating ng isang babaeng muling nagpatibok ng puso ko at nagsisilbing inspirasyon ko. Nung una pa lang naming nagkita, naramdaman ko na kaagad na merong "connection" between us. Nafeel ko na kaagad na at ease ako, yung parang wala kang kaba, yung parang OK talaga, walang pretentions, ganun.. kaya kinarir ko na!!! hehehehe At salamat kay God, dininig naman nya ang prayers ko at naging kami nung August 21, 2009. Wala nang hihigit pa sa happiness na nafeel ko nung araw na yun. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko na yung love dadating din yan, wag kang maghahanap, kusang dadating yan. At yun nga dumating na sya: SHERWIN ELAINE ENERO ESGUERRA

Ika-apat na buwan na namin nitong december, pero, feeling ko antagal na naming nagsama kasi nga nagja-jive yung ugali namin, at nagpapa-cool down sa temper ko kapag naiinis na ko. Sobrang thankful ako, kasi understanding sya sa lahat ng pagkakataon. napaka sweet, thoughtful, multitalented, SEXY, HOT and GORGEOUS. Anu pa hihilingin mo? Sabi ko nga sa kanya sya na ang last ko na mamahalin at gusto kong makasama habang buhay...

Basta, masaya ako ngayon kahit na meron akong sakit, at merong mga problema, ok lang, dahil alam ko na merong mga taong taos-puso akong minamahal. at syempre nandyan si Shegz.

Hanggang dito muna, kasi medyo hilo na ko.. hehe Merry Christmas sa lahat!!!! =)