As I promised, ito na ang nangyaring katangahan sa kin nung byernes---Nawala ang wallet ko. Akala ko nung una naiwan ko lang sa sasakyan namin nung bumaba ako pero nung pagtingin ko wala dun. Patay tayo dyan. Hindi ako concern sa pera eh, kasi konti lang naman laman nun (P150 & apat na $sgd 2), dun ako concern sa mga credit cards, atm, at mga picture ko, hehehehe. Kidding aside, nagsuspet-tsa ako na baka naman nung pagsakay ko ng jeep nahulog ang wallet habang pagdako sa opisina ng nanay ko.
Nawalan na ko ng pag-asa, kaya, pinablock ko na lahat ng credit card ko pati na ang atm ko. Sabi ko nga sa sarili, ok lang naman mawala yung wallet, mapapalitan naman yun. Pero syempre, nandun pa rin ang panghihinayang. Napakahirap matulog ng gabing yun.
Habang natutulog, nanaginip ako na nakita ko na raw ang wallet ko, kumpleto ang laman, nang biglang, may gumigising na sa akin, ang tinig ng nanay ko na nagsasabing: "Hoy Joy! Gumising ka na dyan! Meron ditong mga tao na nakakita ng wallet mo!". Dreams do come true. Kaya agad-agad akong bumangon, at nakipagkita sa mga taong nakakuha ng wallet ko.
Wala na ang cash, ok lang. Natutuwa ako dahil kahit papano kumpleto pa rin ang laman ng wallet ko. Walang tinangay na credit card, at atm. Kumpleto pa rin ang pictures! hehehehe
Nakita raw nila ang wallet ko sa kabilang barrio. Papano nakarating dun ang wallet ko? Isang misteryo... kahit papano naman nagpapasalamat ako kasi may mga natitirang tao pa ring marunong magsauli ng gamit at honest.
Kaya kayo dyan, wag tatangatanga. hehehehe. Maging aware at focus sa lahat ng bagay, ok?
Tuesday, November 27, 2007
Monday, November 26, 2007
Ayoko ng taong....
Sa pagkahaba haba ng araw na lumipas, sa wakas ako'y nagbalik muli sa pagsusulat ng aking blog.
Dapat nga nung byernes ko pa nasimulang magsulat, kaya nga lang, may nangyaring katangahan sa kin ng mga panahong yun. Kung ano man yun, sa susunod na lang na post ko, dahil ayokong isingit ang ganap na yun sa nararamdaman ko ngayon.
Sa lahat ng makakabasa, please bear with me. naiinis lang kasi ko sa mga nangyayari sa palagid ko.
Ayoko ng taong dalawa personalidad. Iba ang pinapakita na ugali sa yo. Pagdating sa ibang tao, different din. Nakakaloko yun. Balimbing sabi nga ng iba. Sana lang ipakita ang tunay mo na sarili. Ang totoong ikaw. Wag mag-iisip na baka kasi... baka maging... baka maging ganun... hay naku.. tumahimik ka at tumabi, kasi hindi ka karadapat dapat na tawagin kong kaibigan... Maghanap hanap ka na kung sino pa maloloko mo.. lintek ka.
Pangalawa, ayoko ng taong walang pananandigan, na walang isang salita. Nawawala ang trust ko sa isang kaibigan kung ganun...sana may isip ka rin naman at mapagtanto mo na nagiging totoo sayo tapos binabale wala mo lang yun.
Ayoko ng taong may "attitude", anong attitude? bad attitude. basta yung may complex problem sa brain. ang hirap pakisamahan ng mga ganung tao.
Ayoko ng taong power-tripper. dahil lang sa grapes, ipapower trip ka na? imaginin mo naman yun. Nakakagalit talaga. shit talaga.
Ayoko ng taong mayabang. dahil kung magyayabang ka, siguraduhin mo lang nakayabang yabang ang sasabihin mo. baka puro stir lang yan. lintek ka pa rin kung ganun ka.
Ayoko ng taong nakatanghod lang sa PC habang ang mga ksamahan mo sa trabaho gawa ng gawa. hay naku! mag-evacuate ka na kung ganun.
Ayoko ng taong biatch. dahil kung magiging biatch ka sa kin mas lalo akong magiging biatch sayo. sure yun. swakto.
Ayoko ng taong gago. Sino ba may gusto ng gago? marami kasi akong kilalang ganyan. Nanggagago ng kapwa.
Sana sa mga nabanggit ko sa taas, hindi ka sana kasama. Sana mapag-isip isip at evaluate mo rin ang mga tao sa palagid mo. kailangan mo yun. Basta ingat ingat na lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)