Monday, September 24, 2007

Panibago.

Bagong Lunes. Bagong Linggo. Bagong Pakikipagsapalaran. Bagong Pag asa. Sana maganda kalalabasan ang week na to. At tsaka lagay ko na rin dito ang nagustuhan ko na phrase and song for this week. Sana magustuhan mo rin.

My Phrase for the week:
"Love is when I can't pay attention in class because I am too busy writing her first name with my last."


My song for the week:

Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

Di ko maintindihan Ang nilalaman ng puso Tuwing magkahawak ang ating kamay Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta Sana’y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan pa man Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam Makapiling ka habang buhay Ikaw lamang sinta Wala na kong hihingin Wala na.

....Ayoko ng maulit pa Ang nakaraang ayokong maalala Bawat oras na wala ka Parang mabigat na parusa Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta Sana’y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan pa man Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam Makapiling ka habang buhay Ikaw lamang sinta Wala na kong hihingin pa Wala na.

Wednesday, September 19, 2007

arkeyd. :)

Kailan ka huling nag-arcade game? Ako nga nung college pa, Daytona (Car racing game) palagi nilalaro namin dahil ang saya at nag-eenjoy kami lahat ng mga kabarkada ko. Pero, naulit ang paglalaro ko ngayong araw na to, hehehe. For so many years, naulit muli!!

Pagkatapos naming maglunch, pumunta kami kaagad sa TimeZone para maglaro ng Need for Speed, panghuling place ako nung 1st round pero bumawi naman ako nung 2nd round. bwahahaha! Enjoy talaga sabayan mo pa pagkatapos mong maglaro ng Icecream cone! Nag-ala-totoy kami ngayon. Namimiss ko tuloy mga kabarkada ko nung kolehiyo...

Monday, September 17, 2007

Pagsulyap...

"Kumusta na ang puso mo?"

"Kumusta ka na?"

"Just let it go, nakakatanda yan.."

" Saan ka ba dapat lulugar?"

'"...its like they think you won't ever change."

Siguro nagtataka ka kung bakit ako ganito. Tahimik.. di kita masyado pinapansin... di na ko katulad nung dati. Ewan ko ba... di ko alam.. bigla na lang kasing sumasagi sa isip ko na :"hindi ka kailangang maging masyadong attached sa kanya, kasi may darating na punto na masasaktan ka lang; at ang panghuli na napakaimportante ay: kaibigan ka lang."; alam ko naman yun dati pa, pero sa tuwing nasusulyapan kita naiiba na ang mundo ko; nandun pa rin ang pagtingin at ang nadarama ko sayo. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita at lahat ng nasa palagid ko ay nagiging masaya. Pasensya na, pero eto ang nadarama ko. Sana maintindihan mo..

Gusto kong umiwas, gusto kong magpakalayo; nagagawa ko yun; dahil alam kong ito ay tama. Pero sa bawat pag-iwas ko sayo parang ang sakit ng kalooban ko, ang lungkot.. hindi nagiging maganda ang araw ko. Nakapanlulumo.. pero kailangan ko tong gawin kahit na masakit.
Ano ba talaga meron ka? Na wala ang iba?

Yoshinoya-Shootout.

Wala nang sasarap pa kung ang lunch mo ay napakafulfilling at satisfying. Biro mo, in P129.00 only, busog na busog ka na..basta ba sa YOSHINOYA ka kakain. It's like a pseudo-japanese resto/fast food. Specialty nila dun ay ang Gyudon Beef (Beef Bowl), basta tender beef smothered with herb, spices, onions, fluffy & long grain rice and the special sauce. Bakit special sauce? Ayokong sabihin, try mo na lang para masabi mo na special nga. Whatchathink? Different ambiance & different taste. Tapos sabayan mo pa nang walang hanggang kanin at bottomless apple green tea. Certified Rapsa talaga! If you have time, try nyo rin, sa ParkSquare 1.


And another thing, na nakapagpabago sa lunch routine ko ngayon ay ang pagpunta sa Toby's. Nag-"SHOOTOUT" kami dun ngayon. Langya! Hingal ako dun, kaw ba naman huling laro mo nang basketball 5 years ago pa. New experience and I enjoyed it to the max!

The Worst LRT-MONDAY experience!

Monday. Isang oras na ang nakalipas nang naganap ang di inaasang pangyayari sa buhay ko. Lintek na LRT yan...

Papano ka naman hindi mababadtrip sa LRT sa ginawa nila. Isipin mo rin ha, gigising ka ng napaka-aga para makaalis ka ng bahay at maabutan mo ang 'hindi-pa-masikip-na-LRT", tapos iistranded ka na lang sa isang istasyon. Take note: Monday pa. Ok lang ung mga dating "flaw" nila eh, pero sagad-sagadran naman yata ngayon.

Sa Pedro Gil, lahat ng pasahero kasama ang sarili ko ay walang kaalam alam na kung bakit nakahinto ang tren sa istasyon na yun, tumatakbo ang oras pero di pa rin gumagalaw ang tren. Iniisip ko na lang baka may minor technical problem lang, gagalaw din yun, pero hindi. Walang nag-aanounce na sira ang tren, walang ginagawa ang mga LRT personnel dun, puede naman nilang sabihin sa tao na: "Bumaba na po kayo dahil sira po ang tren", pero wala akong narinig na ganun, kaya immediate na reaction ng tao, lumabas n ng istasyon. Nag-uunahan. Gitgitan. Mainit. At Marami talagang tao. Hay naku. Kailan kaya tayo magiging organisado at may disiplina? Sabi nga ng nakakarami, ETHICS lang yan eh.

Syempre, sumakay na lang ako ng jeep papuntang BUENDIA at sa buendia sumakay sa MALTC na bus papunta sa Allied... ayokong magtaxi, dahil nagtitipid ako. Badtrip. LATE ako. 15 minutes. Monday madness. Ipagdadasal ko na lang ang LRT...

Sunday, September 16, 2007

Pag-ala-ala.

Ngayon lang ulit ako nakadama ng ganito..

Tama kaya ang oras nang sinabi ko sayo ang tunay kong nararamdaman? Mahal kita. Yun ang nasa isip at puso ko nung mga panahong iyon, pero may bumabagabag sa kin, “Kaibigan mo sya..kailangan mo ba talagang sabihin sa kanya? Papano kung hindi ka nya tanggapin kapag sinabi mo yun?” Kaya nga lang, ayoko ko nang palampasin ang pagkakataon na matatapos ang araw na yun na hindi ko man lang naisambulat ang nararamdaman ko; dahil gusto kong ibahin ang dati kong sarili, ang dati kong sarili na napakatorpe at tahimik kung pinag-uusapan ang tungkol dun. Kaya……….

Napakasaya ko noon nang sinabi ko yun sayo, nakahinga ako ng maluwag at iniisip ko na kaagad kung anong mga gagawin ko sa araw araw upang mapasaya kita kahit papano.

Alam ko ang sitwasyon mo nun, naiintindihan at nirerespeto ko yun. Sa hindi mo pagsalita nung mga panahong yun, naiintidihan ko lahat.

Pero una sa lahat bakit ba kita nagustuhan at minahal?

Friday, September 14, 2007

Di Maipaliwanag..

Marami ba dapat ipaliwanag?? Yan ang napagtanto ko makalipas ang ilang minuto sa nabitawan ko na salita. O talagang ginusto ko na ganito na lang?

Ewan ko ba. Di ko lang siguro matantsa ang naiisip at nararamdaman ko. Nasasaktan ba ko? Naiinis? Nagagalit? Natutuwa? Di ko alam.. sabi ko nga nasa-state ako ngayon ng pagiging lonely; pero alam ko naman na di ako nag-iisa. Kinda weird pero ang alam ko, lahat naman tayo dumadaan sa ganoong sitwasyon; pero bakit ganun? Hindi pa rin maalis ang nararamdaman ko na 'to?

Bakit ba ko nagkakaganito? Dahil ba sa "kanya"?