Monday, September 17, 2007

The Worst LRT-MONDAY experience!

Monday. Isang oras na ang nakalipas nang naganap ang di inaasang pangyayari sa buhay ko. Lintek na LRT yan...

Papano ka naman hindi mababadtrip sa LRT sa ginawa nila. Isipin mo rin ha, gigising ka ng napaka-aga para makaalis ka ng bahay at maabutan mo ang 'hindi-pa-masikip-na-LRT", tapos iistranded ka na lang sa isang istasyon. Take note: Monday pa. Ok lang ung mga dating "flaw" nila eh, pero sagad-sagadran naman yata ngayon.

Sa Pedro Gil, lahat ng pasahero kasama ang sarili ko ay walang kaalam alam na kung bakit nakahinto ang tren sa istasyon na yun, tumatakbo ang oras pero di pa rin gumagalaw ang tren. Iniisip ko na lang baka may minor technical problem lang, gagalaw din yun, pero hindi. Walang nag-aanounce na sira ang tren, walang ginagawa ang mga LRT personnel dun, puede naman nilang sabihin sa tao na: "Bumaba na po kayo dahil sira po ang tren", pero wala akong narinig na ganun, kaya immediate na reaction ng tao, lumabas n ng istasyon. Nag-uunahan. Gitgitan. Mainit. At Marami talagang tao. Hay naku. Kailan kaya tayo magiging organisado at may disiplina? Sabi nga ng nakakarami, ETHICS lang yan eh.

Syempre, sumakay na lang ako ng jeep papuntang BUENDIA at sa buendia sumakay sa MALTC na bus papunta sa Allied... ayokong magtaxi, dahil nagtitipid ako. Badtrip. LATE ako. 15 minutes. Monday madness. Ipagdadasal ko na lang ang LRT...

2 comments:

Anonymous said...

ganun ba ang nangyari? ang kwento mo sakin nakasakay ka sa BMW mo tapos tumirik. sobra ka nang late kaya nagpasundo ka nalang sa Jaguar mo.

the body shot boy said...

baka ma-traffic sa LRT :P