As I promised, ito na ang nangyaring katangahan sa kin nung byernes---Nawala ang wallet ko. Akala ko nung una naiwan ko lang sa sasakyan namin nung bumaba ako pero nung pagtingin ko wala dun. Patay tayo dyan. Hindi ako concern sa pera eh, kasi konti lang naman laman nun (P150 & apat na $sgd 2), dun ako concern sa mga credit cards, atm, at mga picture ko, hehehehe. Kidding aside, nagsuspet-tsa ako na baka naman nung pagsakay ko ng jeep nahulog ang wallet habang pagdako sa opisina ng nanay ko.
Nawalan na ko ng pag-asa, kaya, pinablock ko na lahat ng credit card ko pati na ang atm ko. Sabi ko nga sa sarili, ok lang naman mawala yung wallet, mapapalitan naman yun. Pero syempre, nandun pa rin ang panghihinayang. Napakahirap matulog ng gabing yun.
Habang natutulog, nanaginip ako na nakita ko na raw ang wallet ko, kumpleto ang laman, nang biglang, may gumigising na sa akin, ang tinig ng nanay ko na nagsasabing: "Hoy Joy! Gumising ka na dyan! Meron ditong mga tao na nakakita ng wallet mo!". Dreams do come true. Kaya agad-agad akong bumangon, at nakipagkita sa mga taong nakakuha ng wallet ko.
Wala na ang cash, ok lang. Natutuwa ako dahil kahit papano kumpleto pa rin ang laman ng wallet ko. Walang tinangay na credit card, at atm. Kumpleto pa rin ang pictures! hehehehe
Nakita raw nila ang wallet ko sa kabilang barrio. Papano nakarating dun ang wallet ko? Isang misteryo... kahit papano naman nagpapasalamat ako kasi may mga natitirang tao pa ring marunong magsauli ng gamit at honest.
Kaya kayo dyan, wag tatangatanga. hehehehe. Maging aware at focus sa lahat ng bagay, ok?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
buti nalang nakuha mo na kaagad ang wallet at mga credit cards mo. ibibigay ko na sana sa yo yung mga sobra kong mga gold at platinum na credit cards na di ko na ginagamit, pampasikip lang kasi sa tatlong wallet ko yun eh. -dr. money
Post a Comment