"Kumusta ka na?"
"Just let it go, nakakatanda yan.."
" Saan ka ba dapat lulugar?"
'"...its like they think you won't ever change."
Siguro nagtataka ka kung bakit ako ganito. Tahimik.. di kita masyado pinapansin... di na ko katulad nung dati. Ewan ko ba... di ko alam.. bigla na lang kasing sumasagi sa isip ko na :"hindi ka kailangang maging masyadong attached sa kanya, kasi may darating na punto na masasaktan ka lang; at ang panghuli na napakaimportante ay: kaibigan ka lang."; alam ko naman yun dati pa, pero sa tuwing nasusulyapan kita naiiba na ang mundo ko; nandun pa rin ang pagtingin at ang nadarama ko sayo. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita at lahat ng nasa palagid ko ay nagiging masaya. Pasensya na, pero eto ang nadarama ko. Sana maintindihan mo..
Gusto kong umiwas, gusto kong magpakalayo; nagagawa ko yun; dahil alam kong ito ay tama. Pero sa bawat pag-iwas ko sayo parang ang sakit ng kalooban ko, ang lungkot.. hindi nagiging maganda ang araw ko. Nakapanlulumo.. pero kailangan ko tong gawin kahit na masakit.
Ano ba talaga meron ka? Na wala ang iba?
1 comment:
two words: MOVE ON
five-letter-word: FOCUS
- Dr. Love
Post a Comment