Tuesday, July 25, 2006

First Timer

Ewan ko ba kung ito na ang pinakauna at pinakahuli kong blog dito kasi everytime na pumupunta ko sa blog ko, makita ko pa lang ang mga words na "Create" and "Publish" tinatamad na ko, haaaaaayyyyy... kasi naman kailangan ko pang i-recall ang mga pangyayaring naganap sa araw araw kong pamumuhay.. ano nga ba ang mga nangyari sa kin ngaun?? mga nakakatuwa, nakakapanlumo at nakakatakot n mga tagpo?? hmmmmmm... ang dami talaga.. nagjajumble na sa isip ko..

Hangang hanga nga ako sa ibang blogger kasi ang gagaling nila... solid sa pag-iingles at talaga nmang mamamangha ka sa interface ng blog nila, sobrang astig... nakakatuwa... habang binabasa mo ang mga entries nila sa blog, mafifeel mo ang nararamdaman nila, matatawa ka minsan, malulungkot, maiinis, at maaawa. Mapapaisip ka na lang na napakasuwerte mo pa plang nilalang ka kasi hindi ka humaharap sa mga ganoong uri ng sitwasyon. Yung ibang bloggers nman, ang dami ngang sinasabi pero wala namang kwentang basahin, puro fiction.. Gusto ko totoo, bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras sa paggawa ng blog kung hindi naman totoo ang mga nilalagay mo?? Yun na lang isipin mo. period.

Sabi ng kaibigan ko, way back nung college pa, gumawa raw ako ng blog. Sabi ko: "Ayoko!" waste of time lang yan.. pero sa totoo nyan, hirap na hirap akong gumawa ng mga pangungusap, hindi ko masulat ang gusto kong ipadama. hindi ko talaga trip gumawa ng blog, iniisip ko nung mga panahong yun, bkit ka pa kailangang magsulat tungkol sa buhay mo, e di lahat nkaalam na? wala ng privacy.

Pero mahirap din pala kung ung mga nararamdaman mo hindi mo nilalabas, masakit, minsan mageexplode ka na lang, makakasakit ka lang ng iba. sarili mo lang ang niloloko mo. may mga kaibigan ka rin nmang gustong malaman ang mga problema mo at sure naman na matutulungan ka nila..sana nga lang..

Kaya sa pamamagitan ng blog na 'to. Malalaman mo na kung sino talaga ko. ang kwento ng buhay ko. Mahahanap mo ang mga kasagutan sa mga katanungan.

Exciting 'to..

Start!!

No comments: