Bad trip talaga! Bakit pa kailangang masira yung sapatos ko ngayon. black. leather. pangangailangan. nung nakaraang abril o mayo (2006) ko pa lang yata nabili tong 'Francesco' shoes ko. sabi kasi ng bayaw ko, yun daw bilin ko kasi matibay daw. Hindi ko naman sinisi bayaw ko.. siguro malaki lang talaga mga paa ko.. ano dapat ang solusyon dyan? Bumili ng bago wag nang iparepair ang nasira. kailangan yung mura na, matibay pa at tatagal parang yung yumao ko na Mendrez. nagsasalita na sya ngayon. ang tagal din nming nagsama nun. magmula college, yun na sapatos ko. Kaya baka bilhin ko, Mendrez na lang ulit. o kaya nman Rusty Lopez. Sa uwian ako bibili, sa Landmark. cash? nope. credit card? yes. utang na naman!!!hehe
Isa pang bad trip ay yung pag uwi ko kahapon galing sa work. Umuulan ng malakas. Madilim ang kalangitan. Malakas ang hangin. Si Glenda kasi. Buti na lang last day na nya kahapon. Kasama pa nun, sina-sinusitis pa ko. Punuan pa sa bus. Tapos may bata pa, cguro mga 10 to 11 yrs. old un na napaka-ingay, kasama nya ung tatay nya pero kapag kausap nya ung tatay nya para bang isang bayan ang pagitan nila, lahat ng makita nya, sinisigaw nya. "May topak yata 'to" un ung nsa isip ko nun, kaya nilabas ko n lng ung mp3 player ko, nilakasan ko ung volume para hindi na ko mairita.
Tuloy ang biyahe, sa Makati pa lang, baha na. iniisip ko nun, pano pa kaya sa Dapitan?? Dapat matutulog ako sa biyahe, pero di ko nagawa.. bumabagabag talaga sa kin yung baha sa dapitan... nagtahan bridge na.. tuason.. loyola.. lacson.. piy margal (baha)...malapit na.. Bagoooommm!! Kailangan na ng jetski o bangka sa Dapitan.. Baha talaga! Ayokong maglusong..ayokong tanggalin ang sapatos ko. Habang tinatahak ng bus ang dapitan..pumunta n ko sa harapan, malapit sa driver.. sabi ko, ibaba na lang ako sa hindi baha. Buti na lang nagawa nung driver.. Binaba nya ko sa Shell gas sation, hindi baha..ayos!
Akala ko dun magtatapos ang baha.. lintik! yung street pala namin baha rin.. no choice.. lusong talaga! Yun malamang din ang dahilan kung bakit nasira yung sapatos ko. bad trip. pag akyat ko sa apartment ko. buwisit! may taeng pusa sa harap ng pintuan ng apartment ko.. no choice talaga.. kailangang tanggalin.. kahit na nandidiri ako, napakabaho pa naman..
Pagkatapos nun, nagpahinga muna ako sandali, nakinig ng music at nanuod ng balita.. haaayyyy... puro bad news.. wala na bang gud news??? SONA...mga estudayanteng nagrarally...mga OFW na naipit sa Lebanon at hindi makauwi dito sa Pinas... OFW na namatay... Ms. Universe na nahimatay..hehehe.. off ko n nga. magbabasa na lang ako.. uulitin kong basahin ang Tuesdays with Morrie.. at least dun may matutuhan akong maganda tungkol sa pagharap sa buhay.. zzzz
Sana naman pag uwi ko ngayon, ok na ang panahon. at sana wala ng taeng pusa sa apartment ko. hehe.. kailangan gmakahanap ng maganda at matibay na sapatos..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment