Mabait ba ko? O sadyang napakatanga/napaka-uto ko lang talaga s Pag-ibig??
Sumasagi na nman sa isipan ko ung incident na yun. actually, araw araw naman e. kwento ko n nga... kaw, kelan ka nagkaron ng boyfriend/girlfriend? kelan mo naramdaman ang talagang first love?
ako, nung 4th year high school. maganda ba ung takbo ng relationship namin? parang di ko masagot, ang hirap.. makulay, madrama... araw araw yata nag-aaway kami pero nagiging ok din nman. 4th year ako, second year sya. Maraming hadlang.. gusto ako ng pamilya nya. pamilya ko, hindi sya gusto. ang hirap.. pinaglalaban ko.. di ako pinapakinggan. haaaaayyyyy buhaaaaayyyy. hanggang sa maghiwalay kmi sa simpleng dahilan. ayoko ko nang i-elaborate, baka mainis ka lang. So STOP.
Back to reality. Aaminin ko, dati talaga gusto ko pa rin sya, hanggang nung May 2006. Pero unti unti nang nagdissolve yun sa isang pangyayari na hinding hindi ko na uulitin. Ok, meron kaming communication, tawag...txt. Ako yung humahanap ng paraan para lang makapagkita kami, sabihin na nating isang "DATE". Pero sya palagi ang hindi puede. Nagpromise ako s kanya na magdedeyt kmi. Gusto ko kasi sya ulit masilayan at mapakinggan kung ano na ang nangyayari sa buhay nya, may bago ba? nagbago ba ugali nya? sana Oo. sana "RENEWED" n sya.
Palabas ang X MEN: the last Stand. Gusto kong manood. sya ang unang taong pumasok sa isip ko. gusto ko syang yayain. tnxt ko sya, tinawagan. Ok tuloy kami. dinner, nood ng sine, starbucks at kailangan may something daw n kailangan akong ibigay sa kanya, souvenir kung baga. ok, sige. budget ko sa date na un 2K.ok na yun cguro. susunduin ko pa sya sa UP.
Dumating ang pinakahihintay ko na araw. binilisan ko na ang kilos ko para wag masyadong gabihin pero pagdating sa Ayala Station, Holy Smokes! ang daming tao! sige, tiis lng. pagkapasok ko s MRT, kaagad ko syang tinext, tinanong nya kung nasan na ko. naaawa sya sa kin, d na kmi sa UP magkikita, sa Quezon Ave na lang sa may McDo. Buti na lang!
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko nung makita ko sya.. d ako makahinga, nanlalamig ako.. kabado. hehe. ok, MRT ulit going to Ayala. Sa MRT pa lang, ang dami ng kwento, sari sari.
Pagdating sa Ayala, nag-aya na ng dinner. nagsuggest ako sa krodile grille, ayaw nya dun, kadiri daw.
ha?! bkit kadiri dun??? nakataas kilay ko. alam mo ba kung saan ako inaya? Sa DAD's.
hindi ko nman alam ang price dun, kaya cge ok lng. nsa isip ko nun: ok lang para maiba nman. umupo kmi sa resto. naghintay ng waiter. tpos nung oorder na, sabi nya "Crossover". in conclusion, di ko nagustuhan ang food, sabihin na natin sa iba siguro o sa mga taong katulad nya ok yung food, pero sa akin, hindi e. iba iba naman ang gusto natin. nagimbal ako nung dumating na ang bill. tumataginting na 1500+ ung nakain nmin. ang budget ko sa date na yun ay 2K lng d ba? nainis ako sa kanya nung sinasabi ko na yung budget ko, tinatakpan nya yung tenga nya. ayaw nyang makinig sa kin. naiinis ka na ba?
buti na lang talaga may extra money ako na dala. pagkatapos nun, nagsuggest ako, kasi nasa glorietta naman din kmi, bkit hindi pa kami dun na lang manood, d ba? pero sabi nya, ayaw nya, sa Greenbelt na lang raw. ok sige pa rin. to be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment