ok, pumunta na kmi sa Greenbelt para bumili ng tickets. 10pm na, sana umabot pa kmi sa 10:10pm n show.. kaya nga lang pagdating namin dun, wala ng slot for 10:10pm, so nagdecide n lng na sa 11:59pm n lang kmi manood.
ang tanong.. ano gagawin namin sa 1 hour and 45 minutes? sabi nya sa kin punta na raw kami sa Powerbooks Live.. naku! kinakabahan na ko.. pinapanalangin ko na lang nung time na yun ay sana sarado na ang Powerbooks. Kasi alam kong magpapabili sya for the "SOUVENIR".
Malapit na kami sa store... Salamat! Sarado na raw sabi nung guard. whew!
Nakita nya ang Music One, naku patay! Pasok kami, tapos browse ng mga CD. yun na ang hinihintay ko na time. nagpapabili na sa kin ng cd ni Sitti. Ayoko. Ayokong gumastos na naman. Ang mahal na nga ng binayaran sa sinehan, tapos ganito pa. Sabi ko sa kanya, ayoko. kasi maski yung sister ko nga, nagpapabili sa kin ng ganoong cd, di ko binili, sya pa? Di ako tinantanan.. kulit ng kulit. pero sa bandang huli, ayoko kasing kinukulit ako magdamag, binili ko na rin sya... cash? nope. credit card? yes. pagkabigay ko ng cd, nagpasalamat sya tapos may sinabi na sya, kahit ano raw pagawain ko sa kanya, puede. ayoko ng ganun. ano yun suhol? nice guy person ako. ayokong magtake advantage sa mga ganoong sitwasyon. wholesome.
May naalala pa ko sa mga sinabi nya sa kin na kung kami raw ang magkakatuluyan at magkaka-anak kami, di muna raw nya papabinyagan. gusto nya, kapag malaki na lang daw ang anak namin at naiintindihan na nya ang lahat, dun pa lang papabinyag. lakas ng tama nya noh?!
Time for the movie na. Punta na ulit kami sa greenbelt. nauhaw ako, kaya bumili ako ng maiinom syempre sinama ko pa rin sya, tubig lang sa kin. Sa kanya nman, lemonade & popcorn. gastos ko na nman. nood na ng x men. di ako mapakali sa upuan ko, di ko maintindihan ang palabas kasi iniisip ko yung mga ginastos ko nung araw na yun. kasi kung tututusin, ung 2000 pesos na yun, ang dami nang mararating. natapos ang movie. parang wala lang sa kin. ang utak ko na sa mga gastusin pa rin.
Starbucks naman.. di na ko nag umorder, sya na lang. ayoko na. tama na.
Pagkatapos nun uwi na kami, syempre, taxi. nakakainis lang kasi, ako lang ba dapat lahat umako ng gastos? kahit nga ba sinabi nya sa kin nung una, na wala syang pera. pero kahit katiting lang nman, mahiya ka na. kahit man lang sa transpo, sagutin na nya. pero ako pa rin ang nagbayad. lintik naman!
Dun na sya sa apartment ko matutulog, nsa plano nman un e.
Apartment.. lapag ang gamit. bihis.. gusto ko nang matulog.. sya naman, naki-internet pa sa pc ko. sabi ko sa kanya, matutulog na ko, kasi di na talaga kaya ng katawan ko, sobrang pagod na. 3:30am nun. kailangan pang gumising ng maaga kasi ihahatid ko pa sya sa UP.
tulog ko lang yata nun 2 hours. pag gising ko sya nman ang matutulog, humiga na sya sa kama, tinitingnan ko sya, nagsasalita pa ko nun sa kanya. seconds pa lang yata, tulog na! o nagtutulog tulugan lang!
Sa ngayon, parang ayoko nang pagpatuloy tong kwento ko. kasi parang wala rin namang kwenta.
In conclusion, ako lahat ang gumastos. para kasing naging unfair lang sa kin, kasi di ko man lang sya nahawakan o nahagkan, wala talaga. wala.
Naiinis ako sa kanya nang makita ko yung blog na ginawa nya nung naki-internet sya sa apartment. sabi nya sa blog nya, "Pumunta ulit AKO sa Makati, kumain sa Dads, bumili ng cd ni Sitti..blahblah" Biatch sya! Sobra! Kapal ng mukha.. grabe! di man lang ako naBanggit.
ayoko na. STOP.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment