Kung nabibighani ka sa babaeng nasa right side. sa maniwala ka o sa hindi, kapatid ko yan. alam ko ung iniisip mo! d ako ampon! kapatid ko talaga yan, sana may makita ka na similarities sa ming dalawa. basta titigan mong mabuti yung larawan hanggang sa maduling ka. hehe.
Sa ngayon, pag-usapan natin ang aking kapatid. bigla ko kasi syang naisip, para lang nag-"pop" sa isip ko, bkit d ko isulat sa blog ko ung kapatid ko, ewan ko ba. namimiss ko yata..hehe.
Ikaw! mahal mo ba kapatid mo? Sana ang sagot mo Oo at sana grateful ka kasi naging kapatid mo sya.
Dalawa lang kami ng ate ko, ang pangalan nya ay Annie Rose, "Roan" ang nickname nya sa bahay, at "AR" naman kapag nasa labas na. para daw "sosi" ang dating. Anim na taon ang tanda nya sa kin. 1978 sya, 1984 naman ako. ang laki rin ng agwat nming dalawa.
Sabi nya nung isinilang daw ako tuwang tuwa sya kasi nga ang tagal din nyang naghintay bago sya masundin, sya ang kauna unahang apo sa mother side, kaya nung mga panahon nya, sa kanya lahat ang atensyon. Inaalagan daw nya ko. naniniwala naman ako dun kasi sa mga lumang pictures na nakita ko na magkasama kami nung baby pa ko.
Ang mga childhood plays and activities na naaalala ko lang na palagi naming ginagaw ni ate ay ang mga sumusunod: tuwing hapon, magtataguan kami kasama ng mga pinsan ko; aakyat sa puno ng alatiris para kumuha ng bunga at kainin ito--pero ngayon di na ko kumakain nun.....ah...un lang yata, di ko na matandaan yung iba. hehe. ang hirap kasing i-recall na.
Idolong idolo ko si Ate. Kasi matalino sya. Ang galing pang mag-ingles. Sa talent nman, kaya ako na-engganyong kumanta dahil din sa kanya. Ang galing nyang kumanta. Sobra. Pero ngayon ako na ang MAS MAGALING kumanta, naiwan na sya. Pero sa pag-iingles, sya pa rin ang no.1.
hanggang nung naging teen na sya, di na kmi masyadong nagkakausap kasi nga bata pa ko, samantalang sya, pa-mature na ang isip nya. para ngang di ko na kilala ang ate ko nun.
hanggang nung naging high school ako at eventually naging college. Sobrang naging close kami. lahat ng problema, lahat ng secrets nagsasabihan kami. Sya ang "Financer" ko sa mga gastusin. hehe. Napaka-thoughtful ni ate, ako kaya kelan ako magiging ganun? Ang dami mo kasing pera ate eh!
Minsan nagkakagalit din kami, pero nagkakabati rin naman afterwards.
Sya ang no. 1 na alaskador. every minute, every second.
Ngayon, may asawa na sya (Kuya Ariel) at may anak na rin (Ross). Parang kailan lang..reminiscin' mode.
kaya dapat talaga hanggat maaga pa, maging close na kayo ng kapatid mo, i-cherish nyo ang lahat ng mga pinagsamahan nyo, ipadama mong mahal na mahal mo sya. kasi sobrang nakakamiss kung may sarili n syang pamilya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment