antok na antok pa rin ako. di talaga kasi ako sanay nang hindi nabubuo ang tulog ko, basta kailangan 6 or 8 hours yung sleeping time. kapag bumaba pa sa bilang na yun, naku patay na! puro hikab ako dito sa opisina.
Thanks nga pala sa mga nakabasa na nitong blog ko. Especially kila Jacelyn, Aurene, Joy, Kokoi, Jena, Rodel at Mam Belle. Nakita nyo na kung gaano ako katanga. hehehe
Ok, Kwentuhan time na.
Ang saya ng adventure ko kahapon sa isang seminar or product presentation yata un. 12:36 pm ako umalis dito sa office kasi 1pm magstart ung event. pero di ko alam kung saan mismo ang venue sa New World Renaissance Hotel. Kaya ginawa ko, Kinontak ko muna ang aking kaibigan na nagwowork dun, si Monina, para samahan nya ko hanapin ang venue.
Dumiretso muna ako sa ofc niya. mainit. nkapatay yata aircon. sabi ng boss nya sa kin, maghintay na lang muna ko paparating na si Monina. Pagdating ni Monina, kaagad agad nyang binida ang kanyang palm top kasi may problem daw, nabura lahat daw ang mga ininstall ko na mga applications sa device nya, gawin ko raw sa sabado. di ako pumayag. kasi magbebertdey na ko e, give me a break naman. Nahalata nyang parang bday ko raw ngayong august pero di nya alam kung kelan, makakalimutin kasi sya talaga, numbers kasi e, math, hehe. kaya sinabi ko, tingnan mo na lang sa friendster ung birthday ko. Yun nga ang ginawa, kaya nalaman na nya. Magpainom raw ako. di ko pa masasagot kasi binabaha pa raw ung bahay namin sa bulacan. pero sana sa Sabado, maging ok na. Ok na rin sana ang panahon, katulad ngayon.
So yun, sinamahan na nya kong hanapin ang venue. Dun lang pala sa Ballroom 3. Kaya naghiwalay na kami kaagad, pero dumaan daw ako sa ofc nila pagpaalis na ko.
Registration time. ang daming companies. kailangang makipagsocialize. hehe. marunong pala ako nun.
Seminar time. kung irereyt ang mga speakers sa unang batch, being 5 as the highest, bibigyan ko sila ng 4. ok nman ang flow ng mga sinasabi nila.. product presentation. inaantok ako, buti na lang may candy na nakahanda. naka pitong candy yata ako nun, XO butter caramel. hehe.
Break time. ang pinakahihintay. kainan na. Ang sarap ng food. excellent. pansit, clubhouse, minipao, cake.. ang sarap! solve na solve! ako yata ang unang unang nakatapos kumain. at habang kumakain, meron pang nagpipicture sayo. bka kumukuha sila panlagay sa mga funniest pics. kinukuhanan yata kung may tinga ka o wala. hehe. so ginawa kong pose parang candid. nakatingin sa projector, di na ko kumakain, syempre. hehe.
Seminar time part2. dito na ko inantok ng tuluyan. nka 5 akong candy. Ung ibang speakers, di ko maintindihan ang sinasabi, ibang nationalidad.
Raffle time. nakakalungkot. kailangan kasi ng calling card para makasali, wala naman ako. kaya un, nkangiti na lang ako nung raffle na.
Closing. May free naman ang lahat ng dumalo ng sign pen and ballpen.
Punta kaagad ako kay Monina. Nagpaalam kami sa isa't isa. At sana raw matuloy ang inuman sa Sabado. sana nga. Punta ulit ako sa ofc, para kunin ang gamit ko.
Dyan nagtatapos ang aking makabuluhang kwento.
Sana tuloy na tuloy na ang pag ganda ng panahon..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment