Kung nabibighani ka sa babaeng nasa right side. sa maniwala ka o sa hindi, kapatid ko yan. alam ko ung iniisip mo! d ako ampon! kapatid ko talaga yan, sana may makita ka na similarities sa ming dalawa. basta titigan mong mabuti yung larawan hanggang sa maduling ka. hehe.
Sa ngayon, pag-usapan natin ang aking kapatid. bigla ko kasi syang naisip, para lang nag-"pop" sa isip ko, bkit d ko isulat sa blog ko ung kapatid ko, ewan ko ba. namimiss ko yata..hehe.
Ikaw! mahal mo ba kapatid mo? Sana ang sagot mo Oo at sana grateful ka kasi naging kapatid mo sya.
Dalawa lang kami ng ate ko, ang pangalan nya ay Annie Rose, "Roan" ang nickname nya sa bahay, at "AR" naman kapag nasa labas na. para daw "sosi" ang dating. Anim na taon ang tanda nya sa kin. 1978 sya, 1984 naman ako. ang laki rin ng agwat nming dalawa.
Sabi nya nung isinilang daw ako tuwang tuwa sya kasi nga ang tagal din nyang naghintay bago sya masundin, sya ang kauna unahang apo sa mother side, kaya nung mga panahon nya, sa kanya lahat ang atensyon. Inaalagan daw nya ko. naniniwala naman ako dun kasi sa mga lumang pictures na nakita ko na magkasama kami nung baby pa ko.
Ang mga childhood plays and activities na naaalala ko lang na palagi naming ginagaw ni ate ay ang mga sumusunod: tuwing hapon, magtataguan kami kasama ng mga pinsan ko; aakyat sa puno ng alatiris para kumuha ng bunga at kainin ito--pero ngayon di na ko kumakain nun.....ah...un lang yata, di ko na matandaan yung iba. hehe. ang hirap kasing i-recall na.
Idolong idolo ko si Ate. Kasi matalino sya. Ang galing pang mag-ingles. Sa talent nman, kaya ako na-engganyong kumanta dahil din sa kanya. Ang galing nyang kumanta. Sobra. Pero ngayon ako na ang MAS MAGALING kumanta, naiwan na sya. Pero sa pag-iingles, sya pa rin ang no.1.
hanggang nung naging teen na sya, di na kmi masyadong nagkakausap kasi nga bata pa ko, samantalang sya, pa-mature na ang isip nya. para ngang di ko na kilala ang ate ko nun.
hanggang nung naging high school ako at eventually naging college. Sobrang naging close kami. lahat ng problema, lahat ng secrets nagsasabihan kami. Sya ang "Financer" ko sa mga gastusin. hehe. Napaka-thoughtful ni ate, ako kaya kelan ako magiging ganun? Ang dami mo kasing pera ate eh!
Minsan nagkakagalit din kami, pero nagkakabati rin naman afterwards.
Sya ang no. 1 na alaskador. every minute, every second.
Ngayon, may asawa na sya (Kuya Ariel) at may anak na rin (Ross). Parang kailan lang..reminiscin' mode.
kaya dapat talaga hanggat maaga pa, maging close na kayo ng kapatid mo, i-cherish nyo ang lahat ng mga pinagsamahan nyo, ipadama mong mahal na mahal mo sya. kasi sobrang nakakamiss kung may sarili n syang pamilya.
Friday, August 11, 2006
Wednesday, August 09, 2006
CRAVINGS!!!!
Pano na ko papayat nito kung masasarap na snacks and candies ang nakikita ko?! di ko talaga mapigilan ang sarili kong kumain. Ngayon ko lang na-appreciate ang Cheetos, dahil ito kay Mam Belle, mas lalo na yung "dangerously cheesy" ung flavor..nakaka-addict ung lasa. Sabayan mo pa to ng Hershey's Kissable n nakalagay sa microwaveable tupperware. na libre pa kila Aurene. thanks Tomas. nakakaaddict din. sarap. Makabili nga..

Monday, August 07, 2006
Realization.
Akala ko nung una sensitibo na ko. pero di pala. napagtatanto ko lang kasi mahirap din pala kung share ka ng share ng mga kwento mo sa buhay sa mga taong tinatawag mo na kaibigan, na parang alam na nila kung sino ka talaga, pero sila mismong mga kaibigan mo na palaging mong kasakasama di mo pa masyadong kilala. Siguro kung may quiz bee lang tungkol sa buhay ng mga kaibigan ko, bokya na ko. unang round pa lang, out na ko.
Nasa kin talaga ang pagkukulang. Hirap kasi akong magtanong. Ang problema, ako mismo. Nakakaligtaan ko na silang kumustahin o kung may problema ba sila.. naiisip ko rin minsan na napaka-unfair ko naman bilang kaibigan mo. Minsan nawawalan na ko ng concern sa mga kaibigan kong palaging nandyan sa tabi ko. Kaya, sorry. Sorry sa mga pagkakamali kong nagawa. Insensitive ako. Pasensya na. Pasensya..

Birthday Cake...
Thank you sa lahat ng mga nakaalala at nag greet sa kin kahapon at nung sabado at kahit nung mga nkaraang araw pa! really appreciated!
Maraming Salamat po ulit!
bente dos anyos na ko. ang bilis talagang lumilipas ang panahon. sa oras na to naaalala ko tuloy ung unang birthday party (ung maraming bisita ha) ko nung 3 years old ako, naka-superman na costume ako at karga-karga ako ng mama ko. ang daming cake, sari sari, pero sa mga cake na un wala akong natikman. hehe. nung 4 years old naman ako, spiderman costume naman. puro superhero costume noh? hehe
masaya ba ang mga birthdays ko? minsan masaya, minsan sobrang saya, minsan minamalas at minsan malungkot. bkit kamo minamalas? kaw ba naman, birthday mo na, mahulog ka pa sa imburnal, magiging masaya ka pa? hehe
sana ang mga wishes ko matupad.
at sana makakain na ko ng maraming cake.

Thursday, August 03, 2006
Adventure sa Renaissance.
antok na antok pa rin ako. di talaga kasi ako sanay nang hindi nabubuo ang tulog ko, basta kailangan 6 or 8 hours yung sleeping time. kapag bumaba pa sa bilang na yun, naku patay na! puro hikab ako dito sa opisina.
Thanks nga pala sa mga nakabasa na nitong blog ko. Especially kila Jacelyn, Aurene, Joy, Kokoi, Jena, Rodel at Mam Belle. Nakita nyo na kung gaano ako katanga. hehehe
Ok, Kwentuhan time na.
Ang saya ng adventure ko kahapon sa isang seminar or product presentation yata un. 12:36 pm ako umalis dito sa office kasi 1pm magstart ung event. pero di ko alam kung saan mismo ang venue sa New World Renaissance Hotel. Kaya ginawa ko, Kinontak ko muna ang aking kaibigan na nagwowork dun, si Monina, para samahan nya ko hanapin ang venue.
Dumiretso muna ako sa ofc niya. mainit. nkapatay yata aircon. sabi ng boss nya sa kin, maghintay na lang muna ko paparating na si Monina. Pagdating ni Monina, kaagad agad nyang binida ang kanyang palm top kasi may problem daw, nabura lahat daw ang mga ininstall ko na mga applications sa device nya, gawin ko raw sa sabado. di ako pumayag. kasi magbebertdey na ko e, give me a break naman. Nahalata nyang parang bday ko raw ngayong august pero di nya alam kung kelan, makakalimutin kasi sya talaga, numbers kasi e, math, hehe. kaya sinabi ko, tingnan mo na lang sa friendster ung birthday ko. Yun nga ang ginawa, kaya nalaman na nya. Magpainom raw ako. di ko pa masasagot kasi binabaha pa raw ung bahay namin sa bulacan. pero sana sa Sabado, maging ok na. Ok na rin sana ang panahon, katulad ngayon.
So yun, sinamahan na nya kong hanapin ang venue. Dun lang pala sa Ballroom 3. Kaya naghiwalay na kami kaagad, pero dumaan daw ako sa ofc nila pagpaalis na ko.
Registration time. ang daming companies. kailangang makipagsocialize. hehe. marunong pala ako nun.
Seminar time. kung irereyt ang mga speakers sa unang batch, being 5 as the highest, bibigyan ko sila ng 4. ok nman ang flow ng mga sinasabi nila.. product presentation. inaantok ako, buti na lang may candy na nakahanda. naka pitong candy yata ako nun, XO butter caramel. hehe.
Break time. ang pinakahihintay. kainan na. Ang sarap ng food. excellent. pansit, clubhouse, minipao, cake.. ang sarap! solve na solve! ako yata ang unang unang nakatapos kumain. at habang kumakain, meron pang nagpipicture sayo. bka kumukuha sila panlagay sa mga funniest pics. kinukuhanan yata kung may tinga ka o wala. hehe. so ginawa kong pose parang candid. nakatingin sa projector, di na ko kumakain, syempre. hehe.
Seminar time part2. dito na ko inantok ng tuluyan. nka 5 akong candy. Ung ibang speakers, di ko maintindihan ang sinasabi, ibang nationalidad.
Raffle time. nakakalungkot. kailangan kasi ng calling card para makasali, wala naman ako. kaya un, nkangiti na lang ako nung raffle na.
Closing. May free naman ang lahat ng dumalo ng sign pen and ballpen.
Punta kaagad ako kay Monina. Nagpaalam kami sa isa't isa. At sana raw matuloy ang inuman sa Sabado. sana nga. Punta ulit ako sa ofc, para kunin ang gamit ko.
Dyan nagtatapos ang aking makabuluhang kwento.
Sana tuloy na tuloy na ang pag ganda ng panahon..

Tuesday, August 01, 2006
Ka_UToan part 2
ok, pumunta na kmi sa Greenbelt para bumili ng tickets. 10pm na, sana umabot pa kmi sa 10:10pm n show.. kaya nga lang pagdating namin dun, wala ng slot for 10:10pm, so nagdecide n lng na sa 11:59pm n lang kmi manood.
ang tanong.. ano gagawin namin sa 1 hour and 45 minutes? sabi nya sa kin punta na raw kami sa Powerbooks Live.. naku! kinakabahan na ko.. pinapanalangin ko na lang nung time na yun ay sana sarado na ang Powerbooks. Kasi alam kong magpapabili sya for the "SOUVENIR".
Malapit na kami sa store... Salamat! Sarado na raw sabi nung guard. whew!
Nakita nya ang Music One, naku patay! Pasok kami, tapos browse ng mga CD. yun na ang hinihintay ko na time. nagpapabili na sa kin ng cd ni Sitti. Ayoko. Ayokong gumastos na naman. Ang mahal na nga ng binayaran sa sinehan, tapos ganito pa. Sabi ko sa kanya, ayoko. kasi maski yung sister ko nga, nagpapabili sa kin ng ganoong cd, di ko binili, sya pa? Di ako tinantanan.. kulit ng kulit. pero sa bandang huli, ayoko kasing kinukulit ako magdamag, binili ko na rin sya... cash? nope. credit card? yes. pagkabigay ko ng cd, nagpasalamat sya tapos may sinabi na sya, kahit ano raw pagawain ko sa kanya, puede. ayoko ng ganun. ano yun suhol? nice guy person ako. ayokong magtake advantage sa mga ganoong sitwasyon. wholesome.
May naalala pa ko sa mga sinabi nya sa kin na kung kami raw ang magkakatuluyan at magkaka-anak kami, di muna raw nya papabinyagan. gusto nya, kapag malaki na lang daw ang anak namin at naiintindihan na nya ang lahat, dun pa lang papabinyag. lakas ng tama nya noh?!
Time for the movie na. Punta na ulit kami sa greenbelt. nauhaw ako, kaya bumili ako ng maiinom syempre sinama ko pa rin sya, tubig lang sa kin. Sa kanya nman, lemonade & popcorn. gastos ko na nman. nood na ng x men. di ako mapakali sa upuan ko, di ko maintindihan ang palabas kasi iniisip ko yung mga ginastos ko nung araw na yun. kasi kung tututusin, ung 2000 pesos na yun, ang dami nang mararating. natapos ang movie. parang wala lang sa kin. ang utak ko na sa mga gastusin pa rin.
Starbucks naman.. di na ko nag umorder, sya na lang. ayoko na. tama na.
Pagkatapos nun uwi na kami, syempre, taxi. nakakainis lang kasi, ako lang ba dapat lahat umako ng gastos? kahit nga ba sinabi nya sa kin nung una, na wala syang pera. pero kahit katiting lang nman, mahiya ka na. kahit man lang sa transpo, sagutin na nya. pero ako pa rin ang nagbayad. lintik naman!
Dun na sya sa apartment ko matutulog, nsa plano nman un e.
Apartment.. lapag ang gamit. bihis.. gusto ko nang matulog.. sya naman, naki-internet pa sa pc ko. sabi ko sa kanya, matutulog na ko, kasi di na talaga kaya ng katawan ko, sobrang pagod na. 3:30am nun. kailangan pang gumising ng maaga kasi ihahatid ko pa sya sa UP.
tulog ko lang yata nun 2 hours. pag gising ko sya nman ang matutulog, humiga na sya sa kama, tinitingnan ko sya, nagsasalita pa ko nun sa kanya. seconds pa lang yata, tulog na! o nagtutulog tulugan lang!
Sa ngayon, parang ayoko nang pagpatuloy tong kwento ko. kasi parang wala rin namang kwenta.
In conclusion, ako lahat ang gumastos. para kasing naging unfair lang sa kin, kasi di ko man lang sya nahawakan o nahagkan, wala talaga. wala.
Naiinis ako sa kanya nang makita ko yung blog na ginawa nya nung naki-internet sya sa apartment. sabi nya sa blog nya, "Pumunta ulit AKO sa Makati, kumain sa Dads, bumili ng cd ni Sitti..blahblah" Biatch sya! Sobra! Kapal ng mukha.. grabe! di man lang ako naBanggit.
ayoko na. STOP.

Subscribe to:
Posts (Atom)