Saturday, December 22, 2007

Pahabol sa " Ayoko ng taong..."

well, baka nagtataka ka kung bakit paskung pasko ay ganito ang title ng post ko ngayon. gusto ko lang dugtungan ang "Ayoko ng taong.." kasi may kulang eh. pasensya na kung ganito ako ngayon, gusto ko lang kasing isambulat ang opinyon ko.

Ayoko ng taong maingay. Kumbaga, para kang nakalunok ng 'megaphone-na-naka-high-ang-volume' kapag nagsasalita, na parang isang inch lang naman ang layo sa'yo ng kausap mo, ay parang sumisigaw ka na sa kabilang ibayo at alam na buong kapuluan ang pinag-usapan nyo. Nakakairita yun, sobra. Mas lalo na kung may trabaho ka na kailangan mong pag-isipan ng mabuti at kailangan mo rin ng tahimik na phase, tapos may biglang ganung taong mag-aasta. Sana maisip, makonsensya at magkaron ng konsiderasyon ang taong yun sa paligid nya. kasi kung palagi kang ganun baka kasi kainisan ka na ng buong tao sa paligid mo. Pwede namang magsalita ng normal na level di ba? O baka naman may impacted-cerumen (tutule) kaya ganyan magsalita ang ganung klaseng tao. i wonder...

Ayoko ng taong sinungaling. Parang ganito yun eh. you're being transparent to all people, and you're showing the real you, you trusted people and they also trusted you and most importantly you're being true to people around you, tapos gaganunin ka. di kaya unfair yun? dapat ba talagang magsinungaling sa taong binibigay mo ng buong buo ang sarili mo? napaka-gago mo naman kung ganun ka.

Conclusion: Ilan lamang ito sa mga opinyon ko. baka ikaw may gusto kang idagdag. ipaalam mo lang sa kin. Ipapayo ko lang, BE TRUE lang kaibigan!

No comments: