Friday, ang natatangi at pinakahihintay ko na araw dahil ba magkakaron na ako ng bagong Nintendo DS Lite? Magkakaron na ba ako ng Crocs? Aba, sandali lang, ano ba itong pinagsasabi ko? puro wish list ko to ah! bwahehehe Kidding aside, dahil ito ang araw na magchachat at coffee ulit kami ng babaeng nagpatibok ulit ng puso ko. Korni ko talaga.. pero totoo naman ito, ang buong puso kong minahal, pinakaiingatan at pinagkakatiwalaan. Maraming nangyaring mga sikut-sikot. Pero natutuwa ako dahil hanggang ngayon in-tact at "blood compacted" pa rin ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayan Jena ha, up na up ka! hehe
Mabalik ulit tayo nung byernes, nagcoffee kami pagkatapos naming magwork, syempre saan pa ba? Starbucks! Gusto ko ng Praline Mocha, kaya nga lng "Not Available" un nung araw na yun, kaya nung nagorder si Jena ng "White Chocolate-i-forgot-the-rest" na coffee, yun na lang din inorder ko, tpos umorder din kami ng pastries:Blueberry Cheesecake&Sugar-free-bilog-na-tinapay-na-may-walang-lasang-cream-sa-loob, hehehe. Marami kaming napag-usapan: tungkol sa life, sa mga relasyon, pagkakaibigan at kay God, pero ang naging sentro ng komunikasyon namin ay nung nilabas ko ang list ng mga bibigyan ng regalo ngayong pasko. Nagdecide kami na maghahati na lang para sa mga regalo na ibibigay sa aming mga kaibigan, para nga naman more practical at swakto na makakatipid. At ang araw ng sabado ang pamimili. Natapos ang byernes, na may tamis sa aking mga ngiti, at tsaka sabi ko nga "I believe that evening was very spectular and I really thank you for that". At iniisip ko bago matulog ang ibibigay ko na regalo sayo. Naisip ko:wallet.
Kinabukasan. Sabado. AMLA seminar day. Shopping day. Dalawang agenda, pero ang the latter ung excited ako. Nasa AMLA seminar ako, pinapanalangin na sana mabilis lang ang seminar. At nagtatanung tanong ako kung anong puedeng magandang iregalo para sayo. Naisip ng iba Handwash pero nagstick na ko sa Wallet. bakit wallet? Kasi yun ang gamit na napansin ko sayo na kailangan nang palitan dahil sira na. Natapos ang seminar, kasama ko si Adrian at hinihintay kitang magtxt kung malapit ka na sa Glorietta. (Doremon na tunog) Punta na ko sa Glorietta. At nagpunta muna sa Girbaud at naningin dun ng mga wallet na ibibigay ko para sayo. At (Doraemon na tunog na nman) , nagmeet tayo sa tapat ng McDo, 2nd flr, nabighani mo naman ako dahil sa angkin mong ganda..
Gutom kaya kumain muna kami sa Food choices(Greenwich), at pagkatapos nun gumala na kami para simulan ang pamimili nang biglang nagpanic si Jena, kasi nakalimutan namin ung dala nyang paper bag dun sa Food Choices, buti na lang nasauli sa amin nung guard. Shopping time. Ang dami naming pinuntahan na ayaw ko ng enumerate dito dahil baka isa ka sa mabibigyan namin ng regalo, baka malaman mo, surprise yun eh. hehehehe. Pero successful ang araw na yun dahil na complete na namin ang mga bibigyan namin.
Isang highlight nung sabado ay ang pagbili ko kay Jena ng wallet, dahil sa di inaasahan na pagkakataon, wallet din pala ang ibibigay nya sa kin. Kaya nung nasa girbaud kami, binili nya ko at binili ko rin sya. Parang nag-exchange gift kami pero fulfilling and meaningful naman. At talagang pagkakaingatan ko yun dahil bigay ito ng isa sa mga napakaimportante sa buhay ko. At take note: may money-letter yun ah! para nga naman swertehin!
Nabili ko rin sila ate, kuya at ross ng gift na sana magustuhan nila. At tinawagan ako ni ate na bumili na sya ng regalo para kay mama na maghati na lang kami dun, kaya go! Kay papa naman, siguro bigyan ko na lang sya ng money.
At ang panghuli ay regalo ko para sa sarili ko. Nike shoes. Nakita ko na to nung nsa Baguio kami kaya nga lang wala akong sapat na pera kaya di ko binili.
Conclusion:
Ang dalawang magkasunod na araw na yun ang di ko mabubura sa aking buhay dahil ito'y mananatiling isang napakaimportanteng alaala. Dahil rin nakasama ko 'sya'. Masaya ako at nag-enjoy sa bawat segundo.
1 comment:
here ends another episode of "days of our lives". ganun pa din. ang nadagdag: wallet! anu bayan! ang bagal naman umabante ng mga episode! season 76 na pero ganun padin ang lagay! mataas ba rating nyan at pilit na pinapahaba ng script writer yan! -dr. viewer
Post a Comment