Wednesday, December 05, 2007

Pasko

Pasko na naman.. Yan palagi ang naririnig ko sa TV, radyo, kapitbahay, mga tambay sa kanto, at sa mga eskinita habang pauwi na ko sa apartment sa Maynila. Sa tutuusin, oo nga naman, Disyembre na, talagang malapit na ang Pasko.

Malamig na ang hangin, maraming kumukutikutitap na christmas lights tuwing gabi, laging nagpapatugtog ng mga christmas songs at marami na namang batang nangangaroling. Bilis talaga ng panahon, Pasko na naman.


Pero, sa pananaw mo, ano ang ibig sabihin ng Pasko sa yo? Ano ba talaga ang Pasko?
Naniniwala tayong lahat na ang Pasko ay isang selebrasyon at paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Pero ano pa ba dapat nating alamin kapag dumarating ang kapaskuhan?

Sabi nga ng iba hindi lang sa mga ibibigay na regalo mo masusukat ang kahalagahan ng Pasko, tama yun. dahil ito may masusukat sa pagmamahal mo ng buong puso sa iyong kapwa, sa iyong mga kaibigan, kapatid at lalu't higit sa iyong mga magulang. Pagmamahal at pagbabago sa ating sarili ang dapat nating tandaan, hindi lamang tuwing sasapit ang Pasko, kundi sa buong magdamag....

Blogged with Flock

No comments: