Wednesday, December 26, 2007

trackback sa office.

I'm back at the office. back to reality ulit. kahit nakakatamad pumasok, kailangan eh. umuulan pa. haaaaayyy buhay. titiisin ko na kasi 3 days lang naman ang pasok, bakasyon na ulit.

antok na antok ako. 3am kasi ako gumising dahil nasa hagonoy pa ko nung time na yun, 7am pasok ko. kasabay ko ang pinsan kong si Meanne. napakatagal ng byahe pero ok lng hindi naman nakakainip kasi nga may kasama ako. kaya 6:10am nasa Ayala station at nilakad ko na lang mula dun hanggang dito sa office, exercise na rin yun.

maraming nagtatanong: musta ang pasko mo? enjoy ba? para sa kin OK na OK naman kahit na may sakit ako kasi marami naman akong napasayang tao kahapon kahit simple lang ang mga regalo ko, natutuwa ako dahil na-appreciate nila ng sobra. at syempre na rin nakasama ko ang pamilya ko, sapat na yun at kuntento na ko para maging kumpleto ang pasko ko. kaw, musta ang pasko mo?

Blogged with Flock

Tuesday, December 25, 2007

Maligayang Pasko!

Wow!!! Christmas na mga kabayan! Merry Christmas! Sana maging bountiful and fruitful ang holiday na to para sa ating lahat. Let's show the true meaning of Christmas by loving and caring for others and accepting Jesus Christ in our hearts.

Sa totoo lang kagigising ko lang ngayon, mantika talaga akong matulog eh. hehehe Punong puno na naman ang celphone ko ng mga txt messages (xmas messages). Salamat po sa mga nagtxt! Hamon, keso de bola at tinapay, yan ang agahan namin ng buong pamilya. Marami na ring mga batang pumunta para magmano at manghingi ng aguinaldo, yung ibang bata nga bumabalik ulit pero namumukhaan naman namin. hehehehe


Nabigay ko na rin ang mga nabili kong regalo para sa mga tita ko at pinsan.


Sana lang isapuso nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko. At kumain tayo ng marami! hehehe

Maligayang Pasko!

Monday, December 24, 2007

Ma's Birthday!


December 24th. Christmas Eve. Isang hakbang na lang Pasko na. Pero meron pang mas espesyal dun dahil ito ang kaarawan ng mama ko. Ano ba masasabi ko tungkol sa kanya? hmmmmm...




Una sa lahat, ako'y nagpapasalamat sa kanya dahil kung wala sya, hindi ako nabuhay at hindi ako nakakapagpost dito. Maraming salamat Ma, sa iyong walang hanggang pag-gabay at pagmamahal mo sa min. Kahit na madalas nagagalit ka sa aming dalawa ni ate kasi napaka-kulit at matigas ang ulo namin. Sa nakakabasa nito, wag mo nang itanong sa kin kung pano magalit ang mama ko dahil hindi ko rin madescribe. basta kakaiba. no reaction. Imaginin mo na lang ang pinaghalong tigre at ahas at dragon. gets mo na? hehehe


Kahit na ako'y inuuntog mo sa pinto nung bata ako dahil hindi ko makabisa ang tulang "I have my feelings", peace ma! hindi ko ikinakahiyang sabihin na mahal na mahal kita Ma. at siguro dahil din sa insidenteng yun gumaling ang memory powers ko. hehehe




Basta hindi sapat ang mga salita para madescribe ang isang katulad mo. Sana you have more birthdays to come. Wishing you Good health and good life.




Nga pala, eto yung mga picture kanina sa selebrasyon ng kaarawan ni Mama. At sa wakas nakita ko rin ang regalo namin ni ate. Napakaganda pala! At nakita ko rin muli ang pamangkin kong si Ross.


less than 4 hours na lang Pasko na! Excited na ko at syempre pati ikaw. May we have a blessed and fruitful holiday! God Bless us all!

Sunday, December 23, 2007

Season's sickness..

Christmas is just a grasp away, dalawang tulog na lang, Pasko na! Bigayan na ng mga regalo! Pagmamano sa mga nakakatanda at lalung lalo na kay Ninong at Ninang! At ang panghuli, Kainan na! Hehehehe Pero, badtrip! Ngayon pa ko nagkasakit, ubo at sipon, nilalagnat pa. I'm so lucky this xmas season. Ngayon lang nangyari sa kin to. Why?????

Bukas birthday na ni Mama. Nasa ate ko ang regalo namin, di ko pa nakikita kasi nga ate ko bumili. sana maganda ung gift. Sureball, maraming chibog na naman bukas! At tsaka iniisip ko kung bibili ako ng DS Lite. Hanggang dito na lang kasi nahihilo na ko. Basta mag-uupdate ako..

Saturday, December 22, 2007

Pahabol sa " Ayoko ng taong..."

well, baka nagtataka ka kung bakit paskung pasko ay ganito ang title ng post ko ngayon. gusto ko lang dugtungan ang "Ayoko ng taong.." kasi may kulang eh. pasensya na kung ganito ako ngayon, gusto ko lang kasing isambulat ang opinyon ko.

Ayoko ng taong maingay. Kumbaga, para kang nakalunok ng 'megaphone-na-naka-high-ang-volume' kapag nagsasalita, na parang isang inch lang naman ang layo sa'yo ng kausap mo, ay parang sumisigaw ka na sa kabilang ibayo at alam na buong kapuluan ang pinag-usapan nyo. Nakakairita yun, sobra. Mas lalo na kung may trabaho ka na kailangan mong pag-isipan ng mabuti at kailangan mo rin ng tahimik na phase, tapos may biglang ganung taong mag-aasta. Sana maisip, makonsensya at magkaron ng konsiderasyon ang taong yun sa paligid nya. kasi kung palagi kang ganun baka kasi kainisan ka na ng buong tao sa paligid mo. Pwede namang magsalita ng normal na level di ba? O baka naman may impacted-cerumen (tutule) kaya ganyan magsalita ang ganung klaseng tao. i wonder...

Ayoko ng taong sinungaling. Parang ganito yun eh. you're being transparent to all people, and you're showing the real you, you trusted people and they also trusted you and most importantly you're being true to people around you, tapos gaganunin ka. di kaya unfair yun? dapat ba talagang magsinungaling sa taong binibigay mo ng buong buo ang sarili mo? napaka-gago mo naman kung ganun ka.

Conclusion: Ilan lamang ito sa mga opinyon ko. baka ikaw may gusto kang idagdag. ipaalam mo lang sa kin. Ipapayo ko lang, BE TRUE lang kaibigan!

Monday, December 17, 2007

Trio.

one of the unforgettable moments na itretreasure ko habang buhay ay ang pagkikita muli namin ng dalawa kong best friends, Anna & Arriane, kahapon sa Mall of Asia. Planado to. Buti na lang natuloy..hehehe. Sa wakas! hehehe

Incredible feeling and reminiscin ang naramdaman ko. Ang saya saya at limot lahat ng problema nung kasama ko silang dalawa; nandun pa rin ang daldalan, ang asaran, mga kwento ng buhay at kulitan. Nadarama ko tuloy ang "close bonds" namin bilang magkakabarkada..

Kumain kami sa Avenetto, which is gusto ko naman kasi pizza and pasta yun! Namili ng libro sa Fully Booked (Quidditch through the Ages and Fantastic Beasts and where to find them), Harry Potter na naman of course! At pumunta na sa sinaggest ko, ang Global Fun.


Excited ako. Kasi makakasakay ulit ako sa mga rides, sabi ko sa kanilang dalawa na kailangan sakyan naming lahat ng rides. Pero kinain ko lang ang sinabi ko kasi unang ride pa lang, sukang suka na ko. Hindi ko expected na ganun. Kaya ang Avenetto, nawala rin sa tyan kO!

Pero naging masaya rin naman ang lakad namin sa Global Fun dahil nawala rin ang hilo ko. Nag-enjoy ako todo to the infinity!


Pagkatapos sa Global Fun, nagpunta kami sa UST. Ang ganda ng Uste ngayon, ibang iba na talaga compared dati. Kaya reminiscin mode ulit.


Conclusion:
I had enjoyed every minute and second nung araw na yun dahil nakasama ko ulit sila Anna & Arriane, sana maulit uli yun at sana rin kasama na rin namin si Rheza.

PS. Nga pala, solved na lahat ng xmas gifts ko. Nabili ko lahat ng bibigyan ko! Yahoooy!

Blogged with Flock

Wednesday, December 12, 2007

Happy?

Tama nga naman sila. palagi ko tong naririnig. pero ngayon ko lang nadama. Eto lang masasabi ko:

SHIT HAPPENS ALL THE TIME.

Blogged with Flock

Monday, December 10, 2007

Pasar el tiempo con ella ....

Dalawang gabing puno ng kasiyahan ang aking naramdaman, kahit na pagod sulit naman... ang araw ng Biyernes at Sabado na di ko pagpapalit sa iba pang araw na lumilipas.. basta kasama ko sya... wala nang hihigit pa.. Hep! Tama na muna ang napaka-poetic side ko, hehehe. Emote eh, masaya kasi ako. Pasensya na. Baka kasi hindi mo pa basahin ito, at magclick ka na ng ibang link dyan. hehehe Kwento ko lang ang nangyari sa kin nung Biyernes at Sabado.

Friday, ang natatangi at pinakahihintay ko na araw dahil ba magkakaron na ako ng bagong Nintendo DS Lite? Magkakaron na ba ako ng Crocs? Aba, sandali lang, ano ba itong pinagsasabi ko? puro wish list ko to ah! bwahehehe Kidding aside, dahil ito ang araw na magchachat at coffee ulit kami ng babaeng nagpatibok ulit ng puso ko.
Korni ko talaga.. pero totoo naman ito, ang buong puso kong minahal, pinakaiingatan at pinagkakatiwalaan. Maraming nangyaring mga sikut-sikot. Pero natutuwa ako dahil hanggang ngayon in-tact at "blood compacted" pa rin ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayan Jena ha, up na up ka! hehe

Mabalik ulit tayo nung byernes, nagcoffee kami pagkatapos naming magwork, syempre saan pa ba? Starbucks! Gusto ko ng Praline Mocha, kaya nga lng "Not Available" un nung araw na yun, kaya nung nagorder si Jena ng "White Chocolate-i-forgot-the-rest" na coffee, yun na lang din inorder ko, tpos umorder din kami ng pastries:Blueberry Cheesecake&Sugar-free-bilog-na-tinapay-na-may-walang-lasang-cream-sa-loob, hehehe. Marami kaming napag-usapan: tungkol sa life, sa mga relasyon, pagkakaibigan at kay God, pero ang naging sentro ng komunikasyon namin ay nung nilabas ko ang list ng mga bibigyan ng regalo ngayong pasko. Nagdecide kami na maghahati na lang para sa mga regalo na ibibigay sa aming mga kaibigan, para nga naman more practical at swakto na makakatipid. At ang araw ng sabado ang pamimili. Natapos ang byernes, na may tamis sa aking mga ngiti, at tsaka sabi ko nga "I believe that evening was very spectular and I really thank you for that". At iniisip ko bago matulog ang ibibigay ko na regalo sayo. Naisip ko:wallet.

Kinabukasan. Sabado. AMLA seminar day. Shopping day. Dalawang agenda, pero ang the latter ung excited ako. Nasa AMLA seminar ako, pinapanalangin na sana mabilis lang ang seminar. At nagtatanung tanong ako kung anong puedeng magandang iregalo para sayo. Naisip ng iba Handwash pero nagstick na ko sa Wallet. bakit wallet? Kasi yun ang gamit na napansin ko sayo na kailangan nang palitan dahil sira na. Natapos ang seminar, kasama ko si Adrian at hinihintay kitang magtxt kung malapit ka na sa Glorietta. (Doremon na tunog) Punta na ko sa Glorietta. At nagpunta muna sa Girbaud at naningin dun ng mga wallet na ibibigay ko para sayo. At (Doraemon na tunog na nman) , nagmeet tayo sa tapat ng McDo, 2nd flr, nabighani mo naman ako dahil sa angkin mong ganda..

Gutom kaya kumain muna kami sa Food choices(Greenwich), at pagkatapos nun gumala na kami para simulan ang pamimili nang biglang nagpanic si Jena, kasi nakalimutan namin ung dala nyang paper bag dun sa Food Choices, buti na lang nasauli sa amin nung guard.
Shopping time. Ang dami naming pinuntahan na ayaw ko ng enumerate dito dahil baka isa ka sa mabibigyan namin ng regalo, baka malaman mo, surprise yun eh. hehehehe. Pero successful ang araw na yun dahil na complete na namin ang mga bibigyan namin.

Isang highlight nung sabado ay ang pagbili ko kay Jena ng wallet, dahil sa di inaasahan na pagkakataon, wallet din pala ang ibibigay nya sa kin. Kaya nung nasa girbaud kami, binili nya ko at binili ko rin sya. Parang nag-exchange gift kami pero fulfilling and meaningful naman. At talagang pagkakaingatan ko yun dahil bigay ito ng isa sa mga napakaimportante sa buhay ko. At take note: may money-letter yun ah! para nga naman swertehin!





Nabili ko rin sila ate, kuya at ross ng gift na sana magustuhan nila. At tinawagan ako ni ate na bumili na sya ng
regalo para kay mama na maghati na lang kami dun, kaya go! Kay papa naman, siguro bigyan ko na lang sya ng money.




At ang panghuli ay regalo ko para sa sarili ko. Nike shoes. Nakita ko na to nung nsa Baguio kami kaya nga lang wala akong sapat na pera kaya di ko binili.


Conclusion:

Ang dalawang magkasunod na araw na yun ang di ko mabubura sa aking buhay dahil ito'y mananatiling isang napakaimportanteng alaala. Dahil rin nakasama ko 'sya'. Masaya ako at nag-enjoy sa bawat segundo.

Wednesday, December 05, 2007

Pasko

Pasko na naman.. Yan palagi ang naririnig ko sa TV, radyo, kapitbahay, mga tambay sa kanto, at sa mga eskinita habang pauwi na ko sa apartment sa Maynila. Sa tutuusin, oo nga naman, Disyembre na, talagang malapit na ang Pasko.

Malamig na ang hangin, maraming kumukutikutitap na christmas lights tuwing gabi, laging nagpapatugtog ng mga christmas songs at marami na namang batang nangangaroling. Bilis talaga ng panahon, Pasko na naman.


Pero, sa pananaw mo, ano ang ibig sabihin ng Pasko sa yo? Ano ba talaga ang Pasko?
Naniniwala tayong lahat na ang Pasko ay isang selebrasyon at paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Pero ano pa ba dapat nating alamin kapag dumarating ang kapaskuhan?

Sabi nga ng iba hindi lang sa mga ibibigay na regalo mo masusukat ang kahalagahan ng Pasko, tama yun. dahil ito may masusukat sa pagmamahal mo ng buong puso sa iyong kapwa, sa iyong mga kaibigan, kapatid at lalu't higit sa iyong mga magulang. Pagmamahal at pagbabago sa ating sarili ang dapat nating tandaan, hindi lamang tuwing sasapit ang Pasko, kundi sa buong magdamag....

Blogged with Flock

Tuesday, December 04, 2007

A Cold Trip.

Naka-jacket. Naka-harry potter na scarf (proud na proud, palakpakan naman dyan!). Nanlalamig ang kamay at talampakan. Nangangatog. Hindi makaligo dahil sa ginaw. At naiisip: tinatablan pala ako ng lamig(hehehehe).. Yan ang aking naramdaman nang pumunta kami ng Baguio nung nakaraang huwebes.

Noon ko lang ulit na-experience ang ganung pakiramdam, ang lamig! Naalala ko pa noong early 90's (bata pa ko nun, hehehe) ko pa nadama ang kalamigan ng Baguio kahit na napunta na ko noong summer ng 1997 at 2001.
Sobrang sarap sa pakiramdam, napaka-presko. Hindi maipagpapalit. Samahan mo pa ng bonding namin ng buong pamilya, lalung lalo na ang napaka-gwapo kong pamangkin. Enumerate ko na lang ang ganap namin dun.

Thursday:


1. Umalis kami ng Bulacan ng 8:00 am, walang traffic.
2. Dumaan sa Luisita, para mag-kape:Starbucks.

3. Habang nasa sasakyan, kumakain ng sandwiches: Bacon, ham at hotdog

4. Nakarating kami sa Ina Mansion ng 12:45pm

5. Umuulan, malamig, kaya stay muna dun sa Room 56

6. Binuksan ang TV at nailipat ang channel sa 7, at hindi na natigilan ang panunuod sa pangyayari sa Manila Peninsula.

7. Nag-alaga at nagpatulog ako ng pamngkin.

8. Natulog ako sandali, (30 minutes lang)

9. Pumunta kami ng ate at ng kuya ko sa SM Baguio na nilakad lang namin.

10. Pagkatapos ng 1 and a half hour na pag ikot sa mall, umuwi na at kumain.

11. Umalis uli at pumunta sa Giligan's Island (1 hour lang ang duration)

12. Nanuod ng harry Potter 5 sa portable DVD, naglaro ng PSP at lights off na..tulog... hehehe


Friday:

1. Nagising ng maaga para sa breakfast. ang sarap.
2. Naligo at nagpunta kami nila ate sa Burnham Park. Namili na rin dun ng mga dapat bilhin na pasalubong. 1Dinala ko sa playground ang pamangkin ko. Ang saya!

3. Kumain ng tanghalian sa Room 56 at naghanda sa pagpunta sa mga "nice places" sa Baguio

4. 1st stop. Mine's view Park. Ganun pa rin naman ang tanawin, nandun pa rin ang aso na si Doglas at ang pink na bisiro. maraming tao. malamig.
5. 2nd stop.Good Shepherd. Ang Ube Jam store ng mga turista. Ang sarap talaga ng ube dun.

6. 3rd stop. camp john hay. Namili ang ate ko ng mga duty free items (chocolates,spam) at syempre napadaan ulit kami sa Starbucks kaya Praline Mocha ulit. soothing..

7. 4th stop. The Mansion. Ang bakasyunan ng Presidente ng Pilipinas habang nasa Baguio.

8. 5th and The last stop. Nagomi. Spa. Nagpa-shiatzu massage ako, ginhawa ang naramdaman ko.

9. Nung nasa room 56 na kami, umorder ako sa Yellow Cab ng 2 pizza at Charlie Chan Pasta.

10. Afterwards, Nag-inuman kami dun sa Room nang biglang nagkakaroon na pala ng komosyon dun sa ibabang kalye na tinutuluyan namin. Syempre hindi namin alam ang mga detalye ng pangyayayring yun, dahil nga nasa taas kami. Pero may mga pulis eh.

11. Di ko alam kung bakit nauwi ang mga usapan namin tungkol sa mga aswang at mambabarang, pero yun eh. hehehehe buong gabi yun na ang napag usapan naming lahat at hindi na napansin ang pinapanood na pelikula.

12. Tulog ulit.


Saturday:

1.
Gumising ako ng maaga kasi sabi nila kuya alis daw kami ng 8am.
2. Kumain ng breakfast at nagpasama sa kin ang nanay ko sa Palengke para bumili ng Gulay.

3. Bumalik kami ng Ina mansion at pumunta sa Burnham Park para ipasyal ulit ang pamangkin ko.
4. Afterwards, kumain na kami ng tanghalian at naghanda para sa aming pag uwi.
5. Nakaalis kami ng Baguio ng 12noon at nakarating sa Bulacan ng 5pm.


Conclusion:

Worth the trip, kasi nakasama ko ang pamilya ko, at nakarating at nakaalis kami ng Baguio ng safe.



Blogged with Flock

Tuesday, November 27, 2007

Nung nakaraang Biyernes.

As I promised, ito na ang nangyaring katangahan sa kin nung byernes---Nawala ang wallet ko. Akala ko nung una naiwan ko lang sa sasakyan namin nung bumaba ako pero nung pagtingin ko wala dun. Patay tayo dyan. Hindi ako concern sa pera eh, kasi konti lang naman laman nun (P150 & apat na $sgd 2), dun ako concern sa mga credit cards, atm, at mga picture ko, hehehehe. Kidding aside, nagsuspet-tsa ako na baka naman nung pagsakay ko ng jeep nahulog ang wallet habang pagdako sa opisina ng nanay ko.

Nawalan na ko ng pag-asa, kaya, pinablock ko na lahat ng credit card ko pati na ang atm ko. Sabi ko nga sa sarili, ok lang naman mawala yung wallet, mapapalitan naman yun. Pero syempre, nandun pa rin ang panghihinayang. Napakahirap matulog ng gabing yun.

Habang natutulog, nanaginip ako na nakita ko na raw ang wallet ko, kumpleto ang laman, nang biglang, may gumigising na sa akin, ang tinig ng nanay ko na nagsasabing: "Hoy Joy! Gumising ka na dyan! Meron ditong mga tao na nakakita ng wallet mo!". Dreams do come true. Kaya agad-agad akong bumangon, at nakipagkita sa mga taong nakakuha ng wallet ko.

Wala na ang cash, ok lang. Natutuwa ako dahil kahit papano kumpleto pa rin ang laman ng wallet ko. Walang tinangay na credit card, at atm. Kumpleto pa rin ang pictures! hehehehe

Nakita raw nila ang wallet ko sa kabilang barrio. Papano nakarating dun ang wallet ko? Isang misteryo... kahit papano naman nagpapasalamat ako kasi may mga natitirang tao pa ring marunong magsauli ng gamit at honest.

Kaya kayo dyan, wag tatangatanga. hehehehe. Maging aware at focus sa lahat ng bagay, ok?

Monday, November 26, 2007

Ayoko ng taong....


Sa pagkahaba haba ng araw na lumipas, sa wakas ako'y nagbalik muli sa pagsusulat ng aking blog.

Dapat nga nung byernes ko pa nasimulang magsulat, kaya nga lang, may nangyaring katangahan sa kin ng mga panahong yun. Kung ano man yun, sa susunod na lang na post ko, dahil ayokong isingit ang ganap na yun sa nararamdaman ko ngayon.

Sa lahat ng makakabasa, please bear with me. naiinis lang kasi ko sa mga nangyayari sa palagid ko.

Ayoko ng taong dalawa personalidad. Iba ang pinapakita na ugali sa yo. Pagdating sa ibang tao, different din. Nakakaloko yun. Balimbing sabi nga ng iba. Sana lang ipakita ang tunay mo na sarili. Ang totoong ikaw. Wag mag-iisip na baka kasi... baka maging... baka maging ganun... hay naku.. tumahimik ka at tumabi, kasi hindi ka karadapat dapat na tawagin kong kaibigan... Maghanap hanap ka na kung sino pa maloloko mo.. lintek ka.

Pangalawa, ayoko ng taong walang pananandigan, na walang isang salita. Nawawala ang trust ko sa isang kaibigan kung ganun...sana may isip ka rin naman at mapagtanto mo na nagiging totoo sayo tapos binabale wala mo lang yun.

Ayoko ng taong may "attitude", anong attitude? bad attitude. basta yung may complex problem sa brain. ang hirap pakisamahan ng mga ganung tao.

Ayoko ng taong power-tripper. dahil lang sa grapes, ipapower trip ka na? imaginin mo naman yun. Nakakagalit talaga. shit talaga.

Ayoko ng taong mayabang. dahil kung magyayabang ka, siguraduhin mo lang nakayabang yabang ang sasabihin mo. baka puro stir lang yan. lintek ka pa rin kung ganun ka.

Ayoko ng taong nakatanghod lang sa PC habang ang mga ksamahan mo sa trabaho gawa ng gawa. hay naku! mag-evacuate ka na kung ganun.

Ayoko ng taong biatch. dahil kung magiging biatch ka sa kin mas lalo akong magiging biatch sayo. sure yun. swakto.

Ayoko ng taong gago. Sino ba may gusto ng gago? marami kasi akong kilalang ganyan. Nanggagago ng kapwa.

Sana sa mga nabanggit ko sa taas, hindi ka sana kasama. Sana mapag-isip isip at evaluate mo rin ang mga tao sa palagid mo. kailangan mo yun. Basta ingat ingat na lang.

Monday, September 24, 2007

Panibago.

Bagong Lunes. Bagong Linggo. Bagong Pakikipagsapalaran. Bagong Pag asa. Sana maganda kalalabasan ang week na to. At tsaka lagay ko na rin dito ang nagustuhan ko na phrase and song for this week. Sana magustuhan mo rin.

My Phrase for the week:
"Love is when I can't pay attention in class because I am too busy writing her first name with my last."


My song for the week:

Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

Di ko maintindihan Ang nilalaman ng puso Tuwing magkahawak ang ating kamay Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta Sana’y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan pa man Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam Makapiling ka habang buhay Ikaw lamang sinta Wala na kong hihingin Wala na.

....Ayoko ng maulit pa Ang nakaraang ayokong maalala Bawat oras na wala ka Parang mabigat na parusa Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta Sana’y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan pa man Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam Makapiling ka habang buhay Ikaw lamang sinta Wala na kong hihingin pa Wala na.

Wednesday, September 19, 2007

arkeyd. :)

Kailan ka huling nag-arcade game? Ako nga nung college pa, Daytona (Car racing game) palagi nilalaro namin dahil ang saya at nag-eenjoy kami lahat ng mga kabarkada ko. Pero, naulit ang paglalaro ko ngayong araw na to, hehehe. For so many years, naulit muli!!

Pagkatapos naming maglunch, pumunta kami kaagad sa TimeZone para maglaro ng Need for Speed, panghuling place ako nung 1st round pero bumawi naman ako nung 2nd round. bwahahaha! Enjoy talaga sabayan mo pa pagkatapos mong maglaro ng Icecream cone! Nag-ala-totoy kami ngayon. Namimiss ko tuloy mga kabarkada ko nung kolehiyo...

Monday, September 17, 2007

Pagsulyap...

"Kumusta na ang puso mo?"

"Kumusta ka na?"

"Just let it go, nakakatanda yan.."

" Saan ka ba dapat lulugar?"

'"...its like they think you won't ever change."

Siguro nagtataka ka kung bakit ako ganito. Tahimik.. di kita masyado pinapansin... di na ko katulad nung dati. Ewan ko ba... di ko alam.. bigla na lang kasing sumasagi sa isip ko na :"hindi ka kailangang maging masyadong attached sa kanya, kasi may darating na punto na masasaktan ka lang; at ang panghuli na napakaimportante ay: kaibigan ka lang."; alam ko naman yun dati pa, pero sa tuwing nasusulyapan kita naiiba na ang mundo ko; nandun pa rin ang pagtingin at ang nadarama ko sayo. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita at lahat ng nasa palagid ko ay nagiging masaya. Pasensya na, pero eto ang nadarama ko. Sana maintindihan mo..

Gusto kong umiwas, gusto kong magpakalayo; nagagawa ko yun; dahil alam kong ito ay tama. Pero sa bawat pag-iwas ko sayo parang ang sakit ng kalooban ko, ang lungkot.. hindi nagiging maganda ang araw ko. Nakapanlulumo.. pero kailangan ko tong gawin kahit na masakit.
Ano ba talaga meron ka? Na wala ang iba?

Yoshinoya-Shootout.

Wala nang sasarap pa kung ang lunch mo ay napakafulfilling at satisfying. Biro mo, in P129.00 only, busog na busog ka na..basta ba sa YOSHINOYA ka kakain. It's like a pseudo-japanese resto/fast food. Specialty nila dun ay ang Gyudon Beef (Beef Bowl), basta tender beef smothered with herb, spices, onions, fluffy & long grain rice and the special sauce. Bakit special sauce? Ayokong sabihin, try mo na lang para masabi mo na special nga. Whatchathink? Different ambiance & different taste. Tapos sabayan mo pa nang walang hanggang kanin at bottomless apple green tea. Certified Rapsa talaga! If you have time, try nyo rin, sa ParkSquare 1.


And another thing, na nakapagpabago sa lunch routine ko ngayon ay ang pagpunta sa Toby's. Nag-"SHOOTOUT" kami dun ngayon. Langya! Hingal ako dun, kaw ba naman huling laro mo nang basketball 5 years ago pa. New experience and I enjoyed it to the max!

The Worst LRT-MONDAY experience!

Monday. Isang oras na ang nakalipas nang naganap ang di inaasang pangyayari sa buhay ko. Lintek na LRT yan...

Papano ka naman hindi mababadtrip sa LRT sa ginawa nila. Isipin mo rin ha, gigising ka ng napaka-aga para makaalis ka ng bahay at maabutan mo ang 'hindi-pa-masikip-na-LRT", tapos iistranded ka na lang sa isang istasyon. Take note: Monday pa. Ok lang ung mga dating "flaw" nila eh, pero sagad-sagadran naman yata ngayon.

Sa Pedro Gil, lahat ng pasahero kasama ang sarili ko ay walang kaalam alam na kung bakit nakahinto ang tren sa istasyon na yun, tumatakbo ang oras pero di pa rin gumagalaw ang tren. Iniisip ko na lang baka may minor technical problem lang, gagalaw din yun, pero hindi. Walang nag-aanounce na sira ang tren, walang ginagawa ang mga LRT personnel dun, puede naman nilang sabihin sa tao na: "Bumaba na po kayo dahil sira po ang tren", pero wala akong narinig na ganun, kaya immediate na reaction ng tao, lumabas n ng istasyon. Nag-uunahan. Gitgitan. Mainit. At Marami talagang tao. Hay naku. Kailan kaya tayo magiging organisado at may disiplina? Sabi nga ng nakakarami, ETHICS lang yan eh.

Syempre, sumakay na lang ako ng jeep papuntang BUENDIA at sa buendia sumakay sa MALTC na bus papunta sa Allied... ayokong magtaxi, dahil nagtitipid ako. Badtrip. LATE ako. 15 minutes. Monday madness. Ipagdadasal ko na lang ang LRT...

Sunday, September 16, 2007

Pag-ala-ala.

Ngayon lang ulit ako nakadama ng ganito..

Tama kaya ang oras nang sinabi ko sayo ang tunay kong nararamdaman? Mahal kita. Yun ang nasa isip at puso ko nung mga panahong iyon, pero may bumabagabag sa kin, “Kaibigan mo sya..kailangan mo ba talagang sabihin sa kanya? Papano kung hindi ka nya tanggapin kapag sinabi mo yun?” Kaya nga lang, ayoko ko nang palampasin ang pagkakataon na matatapos ang araw na yun na hindi ko man lang naisambulat ang nararamdaman ko; dahil gusto kong ibahin ang dati kong sarili, ang dati kong sarili na napakatorpe at tahimik kung pinag-uusapan ang tungkol dun. Kaya……….

Napakasaya ko noon nang sinabi ko yun sayo, nakahinga ako ng maluwag at iniisip ko na kaagad kung anong mga gagawin ko sa araw araw upang mapasaya kita kahit papano.

Alam ko ang sitwasyon mo nun, naiintindihan at nirerespeto ko yun. Sa hindi mo pagsalita nung mga panahong yun, naiintidihan ko lahat.

Pero una sa lahat bakit ba kita nagustuhan at minahal?

Friday, September 14, 2007

Di Maipaliwanag..

Marami ba dapat ipaliwanag?? Yan ang napagtanto ko makalipas ang ilang minuto sa nabitawan ko na salita. O talagang ginusto ko na ganito na lang?

Ewan ko ba. Di ko lang siguro matantsa ang naiisip at nararamdaman ko. Nasasaktan ba ko? Naiinis? Nagagalit? Natutuwa? Di ko alam.. sabi ko nga nasa-state ako ngayon ng pagiging lonely; pero alam ko naman na di ako nag-iisa. Kinda weird pero ang alam ko, lahat naman tayo dumadaan sa ganoong sitwasyon; pero bakit ganun? Hindi pa rin maalis ang nararamdaman ko na 'to?

Bakit ba ko nagkakaganito? Dahil ba sa "kanya"?

Tuesday, January 09, 2007

Barkada.



Nakakamiss talaga ang buhay estudyante nung college. ang sarap balik balikan ang mga pangyayari. ibang experience. nakakatuwa. nakakaiyak. nakakainis. nakakagulat. nakakapanlumo.lahat na yata ng emosyon nadama ko na. a whole new world nga naman. iba talaga.

Nakakamiss ang una kong barkada na cla Glen at Gervin, na palagi kong kasabayan umuwi at kumain ng hapunan. basta sa mga carinderia sa dapitan, solve n solve na kami nun. Pero di nagtagal ang barkadahan na yun. sandali lang, nawala na. di ko alam kung bakit. memory gap ika nga.

Pero mas naging masaya ako sa 2nd barkada ko! Sila Anna, Rheza, Arriane, Jerry at Lian. Dun ko nafeel na di ako nag-iisa. Parang kumpleto ung pagkatao ko kapag kasama ko sila. Pero ang palagi ko talagang nakakasama yung tatlo ( si Anna, Rheza at Arriane). Minsan nakausap ko nga c Arriane, marami syang pinapaalala na mga ginawa naming barkada na di ko na maalala, memory gap ulit. ang dami pala naming mga masasayang alaala na nakalimutan ko na. Pero sa mga pinaalala nya, ung iba natandaan ko pero ung iba hindi talaga.


Nung last sunday, may nakita ako n mga sulat na kaagad kong namukhaan ang handwriting. Kay Anna pala! sobrang dami pala nyang letter n nabigay sa kin! Naitago ko pla un at na-organize pa! hehe. Binasa ko ulit at nagreminisce. Kasama rin pala dun ang mga sulat ni Rheza. Pero mas marami ang kay Anna.


Napaka-supportive ng mga kaibigan ko na yun sa kin lalung lalo na kung may delikado ako n subject. Talagang tutorial ang ginagawa nila sa kin. Ganun din kapag may personal problems ako. Kaya napaka-thankful ako kasi naging kabarkada ko sila. Thank you so much!

Di ko na eelaborate, pero pagkatapos ng barkada na yun, nagkaron ulit ako ng bagong ka-berks! korni sa word. hehe. Sila Mike, Donnlyn,Rouie,Andrea,Regina,Keren,Jonathan at Edwin Ng. Ibang pakikipagsapalaran na nman. Pero naging masaya rin ako sa barkadang to. Sobra. Katulad din ng second ko n barkada. equal lang. may twist pareho. Basta thankful ako sa mga naging barkada ko.

Missing mode.