Noon ko lang ulit na-experience ang ganung pakiramdam, ang lamig! Naalala ko pa noong early 90's (bata pa ko nun, hehehe) ko pa nadama ang kalamigan ng Baguio kahit na napunta na ko noong summer ng 1997 at 2001. Sobrang sarap sa pakiramdam, napaka-presko. Hindi maipagpapalit. Samahan mo pa ng bonding namin ng buong pamilya, lalung lalo na ang napaka-gwapo kong pamangkin. Enumerate ko na lang ang ganap namin dun.
Thursday:
1. Umalis kami ng Bulacan ng 8:00 am, walang traffic.
2. Dumaan sa Luisita, para mag-kape:Starbucks.
3. Habang nasa sasakyan, kumakain ng sandwiches: Bacon, ham at hotdog
4. Nakarating kami sa Ina Mansion ng 12:45pm
5. Umuulan, malamig, kaya stay muna dun sa Room 56
6. Binuksan ang TV at nailipat ang channel sa 7, at hindi na natigilan ang panunuod sa pangyayari sa Manila Peninsula.
7. Nag-alaga at nagpatulog ako ng pamngkin.
8. Natulog ako sandali, (30 minutes lang)
9. Pumunta kami ng ate at ng kuya ko sa SM Baguio na nilakad lang namin.
10. Pagkatapos ng 1 and a half hour na pag ikot sa mall, umuwi na at kumain.
11. Umalis uli at pumunta sa Giligan's Island (1 hour lang ang duration)
12. Nanuod ng harry Potter 5 sa portable DVD, naglaro ng PSP at lights off na..tulog... hehehe
Friday:
1. Nagising ng maaga para sa breakfast. ang sarap.
2. Naligo at nagpunta kami nila ate sa Burnham Park. Namili na rin dun ng mga dapat bilhin na pasalubong. 1Dinala ko sa playground ang pamangkin ko. Ang saya!
3. Kumain ng tanghalian sa Room 56 at naghanda sa pagpunta sa mga "nice places" sa Baguio
4. 1st stop. Mine's view Park. Ganun pa rin naman ang tanawin, nandun pa rin ang aso na si Doglas at ang pink na bisiro. maraming tao. malamig.
5. 2nd stop.Good Shepherd. Ang Ube Jam store ng mga turista. Ang sarap talaga ng ube dun.
6. 3rd stop. camp john hay. Namili ang ate ko ng mga duty free items (chocolates,spam) at syempre napadaan ulit kami sa Starbucks kaya Praline Mocha ulit. soothing..
7. 4th stop. The Mansion. Ang bakasyunan ng Presidente ng Pilipinas habang nasa Baguio.
8. 5th and The last stop. Nagomi. Spa. Nagpa-shiatzu massage ako, ginhawa ang naramdaman ko.
9. Nung nasa room 56 na kami, umorder ako sa Yellow Cab ng 2 pizza at Charlie Chan Pasta.
10. Afterwards, Nag-inuman kami dun sa Room nang biglang nagkakaroon na pala ng komosyon dun sa ibabang kalye na tinutuluyan namin. Syempre hindi namin alam ang mga detalye ng pangyayayring yun, dahil nga nasa taas kami. Pero may mga pulis eh.
11. Di ko alam kung bakit nauwi ang mga usapan namin tungkol sa mga aswang at mambabarang, pero yun eh. hehehehe buong gabi yun na ang napag usapan naming lahat at hindi na napansin ang pinapanood na pelikula.
12. Tulog ulit.
Saturday:
1. Gumising ako ng maaga kasi sabi nila kuya alis daw kami ng 8am.
2. Kumain ng breakfast at nagpasama sa kin ang nanay ko sa Palengke para bumili ng Gulay.
3. Bumalik kami ng Ina mansion at pumunta sa Burnham Park para ipasyal ulit ang pamangkin ko. 4. Afterwards, kumain na kami ng tanghalian at naghanda para sa aming pag uwi.
5. Nakaalis kami ng Baguio ng 12noon at nakarating sa Bulacan ng 5pm.
Conclusion:
Worth the trip, kasi nakasama ko ang pamilya ko, at nakarating at nakaalis kami ng Baguio ng safe.
Blogged with Flock
2 comments:
Waaaahhh Kakainggit!!! Ang payat parin ni Ate Roan!! Grabe, parang walang anak.. Sana ako din ganyan!! Haha
Pero pero pero in fairness, maganda ang Baguio.. Pero ayoko pumunta dun.. Bohol tayo pag uwi ko!! at Palawan!!! at Bora!!! Sige na...
Post a Comment